143 total views
Pinapangarap ng Simbahan na tumayong ina o magulang ng mga anak ng mga Overseas Filipino Workers na nasawi o namatay sa ibang bansa dahil sa kanilang pagtatrabaho doon.
Umaasa si Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People o CBCP-ECMI na magkaroon ng sapat na kakayahan ang kanilang komisyun upang makapagbigay ng scholarship program sa mga maiiwang anak ng mga O-F-W na sinawimpalad sa ibang bansa.
Nauunawaan ni Bishop Santos na iisa ang layunin ng mga OFW sa pag-alis sa bansa na mabigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak na mahihinto lamang kapag may hindi magandang mangyari sa kanila sa ibang bansa.
“Ang pangarap natin na ang ating cbcp ecmi na kung saan ay magkaroon tayo ng sapat na kakayahan at katatagan at foundation na ang lahat ng batang naiwan naulila ng migranting filipino o sa kasamaang palad ay nasawi sa ibang bansa ay sa pamamagitan ng simbahan ay makapagpaaral sa kanila at mula sa elementary hanggang college . Upang yung pangarap ng mga migranteng Filipino na dahil sila ay umalis upang mapagpaaral ang kanilang mga anak ang simbahan naman ang magiging tunay na ina na ito ang gagabay at aako sa panunungkulan at ito ang ating pangrap foundation na scholarship para sa mga nasawi o para sa mga naiwan ng nasawing migranteng filipino.”pahayag ni Bishop Santos
Kasaby nito ang mensahe ng Obispo sa manggagawa sa ibang bansa na ngayong taon ng awa at habag ay palaging isispin na magtatagumpay sila sa kanilang mga pagsasakripisyo at pagtitiiis sa pagtatrabaho at paglayo sa kanilang mga pamilya upang kumita lamang ng pera.
“kami ay kasama ninyo,kami ay katuwang ninyo kahit tayo ay malayo kahit hindi namin kayo nakikita nahahawakan kami ay kasama ninyo higit sa lahat ay sa pananalangin at sa pagdiriwang ng santa misa at parati naming hinihiling sa Diyos na kayo ay maging matatag at maging matibay . alam naman natin na sa taong ito na pagdiriwang ng taon ng awa palagi nating isipin na may awa ang Diyos at sa awa ng Diyos tayo ay magtatagumpay at ang Diyos ay makapangyarihan at mayroon pa siyang magagawang kababalaghan milgaro sa ating buhay,magtiwala tayo sa Diyos at tayo hindi nya pababayaan.” pahayag ni Bishop Santos
Samanatala mula sa datus ng national statistics office o nso umaabot sa 38 libong piso ang napapakinabgan ng pamahalaan sa bawat ofw o may kabuuang 2.3 milyun na mga ofw na remittances sa ating bansa na siya ring nangangailangan ng tulong ng pamahalaan matapos na magkaroon sila ng mga pagsubok sa kanilang pagiging overseas Filipino workers.(Riza Mendoza)