Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Awa at habag ng ebanghelyo, ipadama sa mga migrante o OFW’s

SHARE THE TRUTH

 196 total views

Hinikayat ng Simbahan ang lahat ng sangay ng lipunan na ipadama sa mga nangingibang bayan lalu na ang mga Overseas Filipino Workers ang awa at habag ng ebanghelyo.

Sinabi ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, vice-chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pagdiriwang ng national migrants Sunday na mahalagang paalala ito na maipadama sa mga O-F-W at sa mga nangingibang bayan na mayroon silang makakapitan sa oras ng kanilang mga paghihirap at pagdurusa sa paglayo sa kanilang pamilya at sa sariling bayan.

“Napakaliwanag naman ng ating tema ngayong national migrants Sunday, yung tugon and response to our migrants and refugees to the gospel of mercy, kaya nga napakaganda ng mensahe ni Cardinal Tagle kung papanu yung hamon natin ngayong unang Linggo ng kuwaresma ay maging instrumento tayo ng awa o habag lalu na sa mga migranteng Filipino, pati mga refugees na hindi natin kilala mula sa iba’t-ibang parte ng mundo na kung mapapanasin po natin ay marami din po silang dinadaanang pagsubok at mga tukso.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na mahalaga na palagiang ipanalangin na madama nila ang awa at habag ng Diyos sa pamamagitan ng tulong ng pamahalaan, Simbahan at iba pang sangay ng lipunan sa gitna ng kanilang nararanasang mga paghihirap, pang-aabuso at pananamantala sa kanilang kahinaan.

“Ito po yung mensahe, si Hesus ay tinukso ng diyablo sa disyerto kung isipin natin yung larawan marami sa ating mga kababayanag Filipino na mga OFW nakakalat sa buong mundo lalu na sa middile east kung saan nandoon ang disyerto at ang dami nilang dinadaaanan minsan nadating na rin sa kanilang buhay na pagal na pagal sila, na pagod na pagod sila dala ng ng maraming sinasabing curcumstancia na negatibo, kalungkutan malayo sila sa kanilang mga pamilya pati na rin na yung karanasan nila doon na maaari silang inaabuso, kakulangan ng mga pangangailangan, lahat yan samut samut at siguro ang hamon po sa atin na ipagdasal natin sila at pati yung ibat ibang sangay ng Simbahan at pamahalaan sana magtulong tulong para ang ebanghelyo ng habag ay maihatid natin at alam naman natin na tayo lahat ay gagamitin ng Diyos para ipadama natin ang pag-ibig sa kanila.” pahayag ng Obispo.

Samantala mula sa datus ng Migrante International, umaabot na sa 10.5-milyung Filipino ang kabuuang bilang ng nagta-trabaho sa may 200 mga bansa sa buong mundo.(Riza Mendoza)

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,471 total views

 29,471 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,188 total views

 41,188 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,021 total views

 62,021 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,442 total views

 78,442 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,676 total views

 87,676 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 32,330 total views

 32,330 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 32,340 total views

 32,340 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 32,365 total views

 32,365 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 32,478 total views

 32,478 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 32,923 total views

 32,923 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 32,377 total views

 32,377 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 32,367 total views

 32,367 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top