Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, DISYEMBRE 7, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,184 total views

Paggunita kay San Ambrosio, obispo at pantas ng Simbahan

Isaias 26, 1-6
Salmo 117, 1 at 8-9. 19-21. 25-27a

Pinagpala’ng dumarating
sa ngalan ng Poon natin.

Mateo 7, 21. 24-27

Memorial of St. Ambrose, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Isaias 26, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa araw na iyo’y ganito ang aawitin sa Juda:
“Matatag ang ating lungsod,
Hindi tayo maaano,
Matibay ang muog.
Bayaang bukas ang mga pintuan,
upang makapasok ang bayang matapat.
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan
ang mga taong matapat na tumatalima
at nagtitiwala sa iyo.
Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,
pagkat siya ang kublihang walang hanggan.
Ibinababa niya ang mga palalo,
lungsod mang matatag ay ibinabagsak;
pati muog ay winawasak,
hanggang sa maging tapakan ng mga taong-hamak
at tuntungan ng mga mahirap.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1 at 8-9. 19-21. 25-27a

Pinagpala’ng dumarating
sa ngalan ng Poon natin.

o kaya: Aleluya.

O pasalamatan
ang Panginoong Diyos, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Mabuting di hamak,
na doon sa Poon magtiwala ako,
kaysa panaligan yaong mga tao.
Higit ngang mabuting
ang pagtitiwala sa Poon ibigay,
kaysa pamunuan ang ating asahan.

Pinagpala’ng dumarating
sa ngalan ng Poon natin.

Ang mga pintuan
ng banal na templo’y inyo ngayong buksan,
ako ay papasok,
at itong Panginoo’y papupurihan.
Ito yaong pintong
pasukan ng Poon, ang Panginoong Diyos;
tanging ang matuwid
ang pababayaang doo’y makapasok!
Aking pinupuri
Ikaw, O Poon, yamang pinakinggan,
dininig mo ako’t pinapagtagumpay.

Pinagpala’ng dumarating
sa ngalan ng Poon natin.

Kami ay iligtas,
tubusin mo, Poon, kami ay iligtas,
at pagtagumpayin sa layuni’t hangad.
Ang pumaparito
sa ngalan ng Poon ay pagpapalain;
magmula sa templo,
mga pagpapala’y kanyang tatanggapin!
ang Poon ang Diyos.

Pinagpala’ng dumarating
sa ngalan ng Poon natin.

ALELUYA
Isaias 55, 6

Aleluya! Aleluya!
Hanapin ang Poong mahal
s’ya’y ating matatagpuan
sa kanya tayo magdasal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 7, 21. 24-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit.

“Kaya’t ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato. Ang bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento
Huwebes

Bunga ng pagtitiwalang ipagkakaloob ng Diyos Ama ang ating mga kahilingan, buong katapatan tayong tumawag sa kanya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagmahal na Ama, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Santo Papa, mga obispo, mga pari, at mga relihiyoso nawa’y maging tapat sa kanilang pagtatalaga ng sarili sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pulitiko at lahat ng naglilingkod sa pamahalaan nawa’y maging tapat sa kanilang mga pangako at tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pananampalataya nawa’y magkaroon ng matibay na patotoo sa ating mga gawa at hindi lamang sa mga salita, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat na may ginagampanang tungkulin at pananagutan nawa’y maayos na makatupad sa ating mga gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga namayapang kamag-anak at kaibigan nawa’y makatanggap ng kanilang gantimpala sa kabilang buhay sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, ikaw ang aming lakas sa oras ng aming pangangailangan. Buksan mo ang aming mga puso sa iyong biyaya at akayin mo kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moro-Moro Lamang

 102,351 total views

 102,351 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 117,750 total views

 117,750 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 130,205 total views

 130,205 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 140,637 total views

 140,637 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 151,286 total views

 151,286 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 25,138 total views

 25,138 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 25,369 total views

 25,369 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 25,851 total views

 25,851 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 17,689 total views

 17,689 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 17,798 total views

 17,798 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top