Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 151,516 total reads

Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang mga kakasuhan dahil sa maanomalyang mga flood control projects.

Ininspeksyon niya kasama ang iba pang miyembro ng ICI at ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang nasabing detention facility dito sa Quezon City. Maayos daw ang bentilasyon ng kulungan. Maliwanag din. Mukha ring matibay. Maaaring hindi raw maging komportable ang mga ipipiit sa nasabing pasilidad pero disente naman ang kanilang paglalagyan. Bawat selda ay may apat na electric fans at limang double deck na higaang nilagyan pa ng kutson. May sarili ring lababo, liguan, at palikuran. 

Ganito ang sitwasyong nais din nating makita sa iba pang bilangguan sa ating bansa—maluwag, malinis, at kumpleto ang mga pangangailangan ng mga tinatawag nating persons deprived of liberty (o PDL). Alam naman nating lahat na hindi makatao ang kalagayan ng mga kapatid nating bilanggo.

Sa isang report ng International Committee of the Red Cross ngayong 2025, lumalabas na malaking dahilan ang overcrowding o pagsisiksikan sa mga kulungan ng pagkalat ng mga nakahahawang sakit. May mahigit 400 na kulungan ang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (o BJMP), at kung kukuwentahin ang average congestion rate ng mga ito, lumalabas na overpopulated ang mga piitan ng kawanihan ng 296%! Katumbas ito ng halos tatlong beses na kapasidad ng mga kulungan. Kung ang isang pasilidad ay para lamang sa isandaang PDL, halimbawa, lumalabas na may tatlong daang bilanggo rito. Nagsisiksikan silang parang mga sardinas.

Pinalalalâ pa ito ng kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan para mapanatiling malinis ng mga PDL ang kanilang sarili. Problema rin ang tubig. Kung may magkasakit, hindi kaagad nalalapatan ng kaukulang lunas dahil wala namang tauhan sa mga klinika sa loob. Dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng pagre-record ng estado ng kalusugan ng mga PDL, mahirap i-monitor kung nagagamot ba sila nang maayos o malaman kung anu-ano ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga bilanggo. 

Literal na nabubulok sa kulungan ang mga kapatid nating PDL dahil napakabagal din ng takbo ng kanilang mga kaso. Marami sa mga bilanggo ay pinagtitiis sa kulungan habang hinihintay kung kailan diringgin sa korte ang kanilang kaso. Taon nga ang binibilang ng iba. Doon na sila tumatanda. Madalas nga, nakakulong ang mga PDL kahit wala namang conviction o hatol ng korte. May mga pagkakataon ding mas mahaba pa ang panahon ng pagkakakulong ng PDL kaysa sa parusang katapat ng kasong kanyang kinasangkutan. Noong Agosto, napabalita nga ang kaso ng isang overstaying na babae sa Correctional Institution for Women. Nakulong siya nang 23 na taon para sa kasong 30 na araw lamang ang parusa! 

Noong Linggo, ginunita ng ating Simbahan ang Prison Awareness Sunday. Isa iyong okasyon para anyayahan ang mga Katoliko na maging instrumento ng habag at awa ng Panginoon para maibalik ang dignidad at pag-asa sa buhay ng mga kapatid nating nagkasala sa batas. Paalala nga ni Bishop Leopoldo Jaucian ng Bangued, Abra, pinuno ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, “Ang ginagawa natin sa [mga PDL] ay ginagawa din natin sa Panginoon.” Kaya kung hinahayaan nating maging kalunus-lunos ang kalagayan ng mga PDL sa kulungan, pinahihirapan at sinasaktan din natin ang Panginoon. Wika nga sa Mga Hebreo 13:3, “Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo’y nakabilanggo ring kasama nila.”

Mga Kapanalig, kaya naman pala ng gobyernong magpatayo ng disenteng bilangguan para sa mga kurap at tunay na magnanakaw. Bakit hindi ito magawa para sa mga karaniwang PDL? Bakit hanggang sa pagkakabilanggo, talo pa rin ang maliliit at mahihirap?

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 33,403 total reads

 33,403 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 139,624 total reads

 139,624 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 176,411 total reads

 176,411 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 206,987 total reads

 206,987 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 254,049 total reads

 254,049 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 33,404 total reads

 33,404 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 139,625 total reads

 139,625 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 176,412 total reads

 176,412 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 206,988 total reads

 206,988 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top