636 total reads
Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ni Pope Leo XIV habang nagpapagaling sa Gemelli Hospital sa Roma, Italya, matapos ang operasyon.
Sa pinakahuling ulat ng medical team ng Santo Papa noong Biyernes ng hapon, kinumpirma ng pinakahuling pagsusuri sa dugo at chest X-ray ang tuloy-tuloy na pagbuti ng kanyang pangkalahatang kalagayan.
Nagpapatuloy rin ang respiratory physiotherapy o mga ehersisyo para sa paghinga.
Sa kabila ng pagpapagaling, nagdaos si Pope Leo ng Banal na Misa sa ospital nitong Biyernes, na dinaluhan ng ilang doktor, nars at iba pang kawani ng Gemelli Hospital, gayundin ng mga miyembro ng Vatican Gendarmerie.
Sa kanyang homiliya, pinasalamatan ng Santo Papa ang mga doktor, nars at iba pang health workers sa kanilang araw-araw na paglilingkod sa mga maysakit.
“In his homily, the Pope thanked all the staff—doctors, nurses, and orderlies—for the work they do every day caring for patients in their frailty, and especially for what they have done and continue to do for him,” ayon pa sa inilabas na pahayag.
Nakipagkita rin si Pope Leo kay Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization at dean ng College of Cardinals, at kay Cardinal Baldo Reina, vicar general ng Diocese of Rome.




