77,074 total reads
Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga Pilipino. Ang pasko ay kapag tatangnan nating mga Pilipino ang katolikong tradisyon, pananampalataya at pagsama-sama.
Ngunit sa papalapit na Christmas 2026, ang pagdating ng ating manunubos na si Hesu Kristo., naiba na ang ekspektasyon ng mga ordinaryong Pinoy sa mas tahimik at pragmatikong pagtugon; nanatiling non-negotiable sa mga ordinaryong Pilipino ang pagiging maalwan.., pagbabahagi at pagiging busilak ang puso., kahit na gipit na gipit na ang badyet.
Pagkakasya…. Para sa maraming pamilyang Pilipino… ang selebrasyon ng Pasko ay nangangahulugan ng masinsinang arithmetic. Sa maraming Pilipino, ang mabilis na pagtaas ng inflation sa 7.8-percent sa nakalipas na buwan ng Oktubre at mabagal na pag-usad ng ekonomiya ay pasakit at mabigat na pasanin. Hanggang saan aabot ang maliit na noche Buena budget nang hindi mawawala ang spirit ng pasko?
Kapanalig sa ating mga Pilipino, mas mahalaga ang presensiya kaysa price tags, kahit gipit ang badyet., hindi natin puwedeng kanselahin ang pagdiriwang ng pasko., ang paghahanda sa pagdating ni Kristo.
Normal at inaasahan na “Filipinos expect to give—even when they have less to spare”.
Sa gitna ng krisis, mahalaga ang pananampalataya.,homecoming., pagbibigayan., nanatili ang emotional anchors ng isang Filipino Christmas: 9-na araw ng debosyon. Simula ika-16 ng Disyembre, dumadagsa ang Filipino communities sa early morning at evening masses., kasunod ng masayang pagsalo-salo ng bibingka sa labas ng simbahan. Ang pasko ay homecoming season ng mga OFW.,mga kamag-anakan mula sa iba’t-ibang probinsiya., bridging distance is at the heart of the season.
Kapanalig, sa gitna ng inaasahang buhol-buhol na trapiko, siksikang mga malls, year-end bonuses, tahimik na paghahanda sa pagdating ng manunubos., ating ipinagdarasal na sa papasok na bagong taon na magpatuloy o magkaroon tayo ng matatag na kabuhayan, bumababa ang presyo ng bilihin at serbisyo at harinawa…, kumilos na ang ating mga lider sa pamahalaan, maging tunay na servant leader., tulungan tayo mabawasan ang ating dinaranas na paghihirap.
Kapanalig, sa ating tahimik at payak na paghahanda sa pagsapit ng Pasko… ang pinaka-sentro ng ating paghahanda ay si Hesu Kristo.
Sinasabi ng Cathecism of the Catholic Church 542, 1505,250: “Christ stands at the heart of this gathering of men into the “family of God”. By his word, through signs that manifest the reign of God, and by sending out his disciples, Jesus calls all people to come together around him. But above all in the great Paschal mystery – his death on the cross and his Resurrection – he would accomplish the coming of his kingdom. “And I, when I am lifted up from the earth, will draw all men to myself.” Into this union with Christ all men are called. (250)
Sumainyo ang Katotohanan.




