Think before you post. Think before you click.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 311 total reads

Mga Kapanalig, nag-viral kamakailan ang isang social media post na nagsasabing binigyan ng kanilang LGU ng singkwenta pesos lamang ang isang nanay sa Bukidnon na humingi ng tulong para sa pagpapalibing ng kanyang yumaong anak. 

Tiyuhin ng bata ang nag-post ng picture kung saan makikita ang nanay na hawak ang birth certificate ng namatay niyang anak at ang perang natanggap niya matapos ang halos buong araw na pagpila sa munisipyo. Gaya ng inaasahan, maraming pumuna at bumatikos sa lokal na pamahaaan. Maraming nanggalaiti sa galit. May ilan pa sa kanilang nagpadala ng donasyon sa pamilya.

Nilinaw ng LGU ang pangyayari. Habang nakikiramay ito sa pamilya ng bata, itinuwid nito ang ilang bagay na nagpagalit sa mga netizens. Una, ang ibinibigay na burial assistance ng munisipyo ay hindi pera, kundi mismong funeral services gaya ng kabaong, pagpapaembalsamo, at pagpapalibing. Ang isang package ay nagkakahalaga ng ₱20,000 at magkahati sa gastusin ang LGU at ang DSWD. Pangalawa, lumitaw na ang bata ay namatay noong Setyembre pa at sa ibang bayan ibinurol at inilibing, bagamat rehistradong botante ang nanay sa LGU na nilapitan niya. Natuklasan din na ang namatay na bata ay isang registered person with disability sa ibang munisipalidad at nabigyan ang pamilya niya ng tulong. 

Saan galing ang singkwenta pesos?

Ibinigay ito ng isang empleyado ng munisipyo dahil hindi nito mabibigyan ng anupamang tulong ang nanay dahil residente siya at ang kanyang anak ng ibang bayan. Para daw ito may maipampamasahe pauwi ang nanay. Pero inakala ng pamilya na ito na ang burial assistance na ibinigay sa kanila. Sinabi ng LGU na nakikipag-ugnayan ito sa pamilya para alamin kung anong tulong ang maibibigay pa nila sa pamamagitan ng iba pang programa ng pamahalaan. 

Ilang beses na ba tayong nag-react agad-agad sa mga social media posts nang hindi muna nalalaman ang buong katotohanan? Sa panahon ngayon, napakadali na talagang mapaniwala ng mga kuwentong kumakalat sa social media, lalo na ang mga viral posts. Para silang maliit na apoy na nagningas, lumikha ng usok, at kumalat na nang kumalat. Wala nang beripikasyon kung totoo ba. Wala nang pagdududa sa intensyon ng nag-post. Wala nang pangingilatis sa nilalaman.

Paalala nga ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ang komunikasyon—kabilang ang social media—ay dapat tama, tapat, at hindi nakasasakit sa kapwa. Ang paggamit ng social media ay kailangang may moderation, discipline, at prudence; sa madaling salita, hindi dapat basta-bastang nagpapadala ng impormasyon nang hindi pa beripikado at hindi rin basta-basta ginagatungan ng anumang reaksyon dahil lamang viral o sikat. 

Bago mag-react at mag-share ng isang viral post, tanungin muna natin: Totoo ba ito? May ebidensya ba o opisyal na paliwanag? Kumpleto ba ang konteksto? Nabibigyan ba ng pagkakataon na sumagot ang mga inaakusahan? Kapag malinaw ang sagot natin sa mga tanong na ito, maiiwasan nating maging instrumento ng pagkakalat ng mapanira, mapanghusga, at nakapanlolokong social media posts. 

Sa huli, ang pinakamahalagang napoproteksyunan ng responsableng paggamit ng social media ay ang dignidad ng lahat ng sangkot—ang pamilyang nagdadalamhati, ang mga kawani ng pamahalaan, gayundin ang nag-post. Hindi sila dapat gawing content ng galit, mga memes, at pangunguyog online. Ang pakikiramay ay hindi dapat gamitin para magkaroon lang ng likes at shares. 

Mga Kapanalig, sa pangyayaring ito, akmang paalala ang Efeso 4:29: “Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.” Hindi lang dapat totoo ang ating ibinabahagi sa iba, kundi dapat nakabubuti rin sa ating kapwa. Think before you post. Think before you click.

Sumainyo ang katotohanan. 

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 28,542 total reads

 28,542 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 28,763 total reads

 28,763 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 61,849 total reads

 61,849 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 182,428 total reads

 182,428 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 232,785 total reads

 232,785 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 359,831 total reads

 359,831 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 61,851 total reads

 61,851 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 182,430 total reads

 182,430 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 232,787 total reads

 232,787 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 359,833 total reads

 359,833 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top