Hindi krimen ang magprotesta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,867 total reads

Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba pang bansa. Oportunidad ito para pag-usapan ang mahahalagang bagay katulad ng ekonomiya at kapayapaan. 

Pero nabahiran ito ng karahasan laban sa mga Pilipino mismo.

Hindi baba sa 300 katao ang dinakip sa Metro Manila at karatig na lugar sa pagbubukas ng summit noong Nobyembre 15. Karamihan sa kanila ay nakilahok sa mga kilos-protesta laban sa Pax Silica, isang inisyatibong isinusulong ng Amerika para palakasin ang supply chain o ang network na sisigurong may mga materyales, manggagawa, impormasyon, at iba pa para itaguyod ang artifical intelligence (o AI). Hindi pa malinaw ang magiging proyekto sa Pilipinas sa ilalim ng inisyatibong ito, pero matunog ang pagtatayo ng isang AI hub sa Tarlac na maaaring makaapekto sa supply ng tubig at kuryente, makasira ng kalikasan, at magpalayas sa mga katutubo. Dumalo si US President Donald Trump sa ASEAN Summit, pero walang isinapublikong pag-uusap kaugnay ng Pax Silica. 

Bitbit din ng mga raliyista ang mga panawagang wakasan ang kahirapan sa bansa at papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. Maliban sa mga nagpoprotesta, mayroon din mga mamamahayag na dinakip ang kapulisan. Makikita sa mga litrato at videos ang pagigiit ng ilang mamahayag na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho. Gayunpaman, sapilitan silang hinuli at idinetine kasama ng mga raliyista. May mga report ng marahas na pagtrato sa mga raliyista at pagbabawal diumano ng awtoridad na makausap nila ang kanilang mga abogado. 

Ayon sa PNP, ang lahat ng dinakip ay lumabag sa Public Assembly Act of 1985. Ilan daw sa kanila ay walang permit, nasa labas ng mga lugar kung saan pinapayagan ang mga kilos-protesta, o sadyang nanggulo. Itinanggi rin ng kapulisan na hinarang nila ang abogado ng mga hinuli. Anila, may mga security protocols na dapat sundin, at pinapasok din naman ang mga abogado pagkatapos ng ilang beripikasyon. 

Kinundena ng mga human rights groups ang mga pagdakip. Para kay National Union of People’s Lawyers President Ephraim Cortez, ang pagpoprotesta laban sa kahirapan, katiwalian, at mga proyektong maaaring magpahirap sa taumbayan ay hindi krimen. Iginiit niyang ginagarantiya ng Saligang Batas ang malayang pagpapahayag at mapayapang pagtitipon. 

Nagsalita rin si Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, kaugnay ng isyu. Bagamat maituturing na magandang balita ang pagpapalaya sa halos dalawandaang inaresto, kasama ang mga menor de edad, kailangan pa rin daw managot ng awtoridad sa mga reklamo kaugnay ng pagtrato nila sa mga raliyista. Hindi rin daw dapat kalimutan ang mga raliyistang nananatiling nakapiit. Nanawagan ang obispo na imbestigahan ang mga ito. Dagdag pa niya, kapag dumadaing ang mahihirap sa kanilang mga suliranin, hindi dapat sila sinasalubong ng karahasan. Sa halip, dapat silang pakinggan, seryosohin, at igalang. 

Kinikilala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang karapatang tumutol. ‘Ika nga ni Santo Tomas Aquinas, “Man is bound to obey… in so far as this is required by the order of justice.” Dapat tayong sumunod basta naayon ito sa katarungan. Kinakailangan din ang ating pakikilahok para “dumaloy ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang ‘di natutuyong batis,” ayon nga sa Amos 5:24. Ang pananahimik ay pagsang-ayon sa mga makasalanang istrukturang taliwas sa kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, hindi krimen ang mapayapang pagpoprotesta at pagpapahayag ng pagtutol sa mga patakaran at desisyon ng pamahalaan na may nakikitang negatibong epekto sa mga komunidad, mga sektor, at maging sa kalikasan. Sa katunayan, ang pagtalikod dito sa gitna ng kawalang-katarungan ay kabiguang gampanan ang isang Kristiyanong tungkulin. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 3,868 total reads

 3,868 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 127,414 total reads

 127,414 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 177,778 total reads

 177,778 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 304,837 total reads

 304,837 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 390,193 total reads

 390,193 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE LOST LESSONS

 127,415 total reads

 127,415 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 177,779 total reads

 177,779 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 304,838 total reads

 304,838 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 390,194 total reads

 390,194 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »
Scroll to Top