Batas na magpapalawak sa government voucher program, nilagdaan ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,713 total reads

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magpapalawak sa government voucher assistance program upang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa mga pribadong paaralan ang mas maraming kwalipikadong estudyante.

Layunin ng programa na mabawasan ang pagsisiksikan sa mga pampublikong paaralan at mabigyan ng mas maraming pagpipilian ang mga mag-aaral sa kanilang edukasyon.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12327 o Basic Education Voucher Assistance Act, maaaring makinabang ang mga estudyanteng kabilang sa middle-income households at mga pamilyang mas mababa ang kita.

Bibigyang-prayoridad ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralang kulang sa silid-aralan, mga nakatira sa lugar na walang malapit na pampublikong paaralan, at mga senior high school student na walang sapat na pagpipilian sa mga asignatura at elective.

Ang Department of Education o DepEd ang magtatakda ng halaga ng voucher batay sa kakayahang pinansyal ng pamilya.

Ang batas ay muling pag-aaralan kada tatlong taon sa halaga ng voucher at maaari ring madagdagan ang pondo sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sponsor.

Itinatakda rin ng batas ang pagbuo ng Bureau of Private Education na mangangasiwa sa kalidad ng edukasyon at regulasyon ng mga pribadong paaralang lalahok sa programa.

May nakapaloob ding mga probisyon upang maiwasan ang pandaraya at maling paggamit ng pondo para sa voucher assistance.

Bilang bahagi ng paunang pagpapatupad, uumpisahan ang programa sa Kindergarten at elementarya sa School Year 2027–2028.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 20,269 total reads

 20,269 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 156,218 total reads

 156,218 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 241,597 total reads

 241,597 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 305,435 total reads

 305,435 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 384,741 total reads

 384,741 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top