2,319 total reads
Walang nilagdaang kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos kaugnay ng Pax Silica Initiative.
Ito ang kapwa inihayag nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa ginanap na bilateral meeting sa Malacanan.
“There will be no signing,” ang naging tugon ng kampo ni Trump sa pamamagitan US Ambassador to the Philippines Lee Lipton sa tanong ng mamamahayag kaugnay ng usapin sa kontrobersyal na Pax Silica.
“Not on this trip,” maigsing sagot naman ng Pangulong Marcos.
Ang Pax Silica ay isang inisyatiba ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang pagtutulungan ng mga bansang magkakaugnay sa suplay ng mahahalagang materyales at teknolohiya, kabilang ang artificial intelligence, semiconductors at iba pang produktong ginagamit sa industriya ng teknolohiya.
Sa usapin naman ng paggiit ng Pilipinas sa Mutual Defense Treaty (MDT) dahil sa patuloy na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, maikli ang naging tugon ng presidente ng America.
“Im not concerned at all, that would be taken care of,” ayon kay Trump.
Bago ang bilateral talks, dakong alas-10 ng umaga nang pormal na sinalubong ni Pangulong Trump sa Malacañang, sa ikalawang araw ng pagbisita nito sa Pilipinas.
Idinaos sa Kalayaan Grounds ang seremonya ng pagtanggap, kung saan tinugtog ang pambansang awit ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kasama ni Trump sa pagbisita si US Secretary of State Marco Rubio.
Dumalo rin sa seremonya ang ilang matataas na opisyal ng dalawang bansa, kabilang sina Executive Secretary Ralph Recto, Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, Defense Secretary Gilbert Teodoro at US Ambassador to the Philippines Lee Lipton.
Nilagdaan din ni Trump ang opisyal na guest book ng Malacañang bilang bahagi ng kanyang pagbisita.
Matapos ang bilateral meeting kaugnay ng mahahalagang usapin sa ugnayan ng dalawang bansa na sinundan ng state luncheon na ihahandog ng Pangulo bilang parangal sa panauhin.
Nasa Pilipinas si Trump mula Nobyembre 17 hanggang 18 matapos dumalo sa ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong.
Kabilang sa inaasahang bunga ng pagbisita ang mga kasunduan at dokumentong magpapalakas sa ugnayang pangkalakalan at pangseguridad ng Pilipinas at Estados Unidos.




