PBBM, nanawagan ng tulong sa mga lider ng bansa Southeast Asia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,266 total reads

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bansa sa Southeast Asia na magtulungan sa pagtugon sa tumataas na presyo ng langis at pagkain, mga problema sa seguridad at iba pang hamong kinakaharap ng rehiyon.

Sa kanyang pahayag bago ang ika-49 na ASEAN Summit sa Pilipinas, sinabi ni Marcos na hindi kayang lutasin ng isang bansa lamang ang mga problemang ito kaya mahalaga ang pagkakaroon ng magkakasamang plano at solusyon.

Kabilang sa mga nais niyang bigyang-pansin sa summit ang presyo ng mga bilihin, agrikultura, trabaho, kabuhayan at seguridad.

“Marami sa mga problemang ito ay hindi natin kayang solusyunan na mag-isa, kaya’t napakahalaga ng ASEAN. Ito ang pagkakataon para sa mga bansa sa ating rehiyon na mag-usap, magkaunawaan, at magtulungan upang humanap ng mga solusyon sa mga problemang pare-pareho nating kinakaharap,” ayon sa Pangulo.

Samantala, sinabi ng Pangulo na nagkaroon ng dagdag na trabaho para sa ilang lokal na negosyo at manggagawa dahil sa mga paghahanda at pagpupulong na kaugnay ng ASEAN sa bansa.

“Bilang host ng 49th ASEAN Summit, mayroon din tayong napakalaking pagkakataon na manguna sa paghubog ng agenda at bigyang prayoridad ang mga usaping pinakamahalaga sa ating mga kababayan tulad ng presyo ng langis at pagkain, seguridad, agrikultura, trabaho at kabuhayan,” paliwanag pa ni Marcos.

Kabilang dito ang mga maliliit na negosyante, food suppliers, hotel workers, transport operators at mga manggagawa sa creative industry.

Inaasahan din ng Pangulo na makatutulong ang pagtitipon sa pagpapalakas ng turismo sa bansa.

Humingi naman ng pang-unawa ang Punong Ehekutibo sa publiko sa posibleng abala dahil sa mga aktibidad at paghihigpit sa seguridad habang ginaganap ang summit.

Muli ring hinimok ni Marcos ang mga Pilipino na makiisa sa pagtanggap sa mga delegado mula sa iba’t ibang bansa

Photo courtesy: President Bongbong Marcos

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 67,472 total reads

 67,472 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 129,164 total reads

 129,164 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 174,867 total reads

 174,867 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 276,131 total reads

 276,131 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 342,473 total reads

 342,473 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top