Diocese of Bangued, nagpapasalamat kay retired Bishop Jaucian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,253 total reads

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Diocese of Bangued kay Bishop Leopoldo C. Jaucian, SVD, D.D. para sa halos dalawang dekada nitong mapagmahal na paggabay at tapat na paglilingkod sa Simbahan at sambayanan ng Abra.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Nobyembre 11, 2026, hinikayat ni Rev. Fr. Liberato O. Ortega, Diocesan Administrator ng Diocese of Bangued, ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin si Bishop Jaucian, kasunod ng pagtanggap ni Pope Leo XIV sa kanyang pagbibitiw bilang obispo dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.

Matatandaang, inanunsiyo noong Nobyembre 7, 2026 ang desisyon ng Santo Papa na pagtanggap sa pagbibitiw sa katungkulan ni Bishop Jaucian bilang pastol ng diyosesis.

Sa pahayag ni Fr. Ortega, pinangunahan ng Pari ang pagkilala ng diyosesis sa naging mahalagang papel ni Bishop Jaucian sa paggabay sa lokal na Simbahan sa loob ng halos dalawampung taon.
Hiniling din ng Diocese of Bangued sa mga mananampalataya na ipagdasal ang paggaling, kapanatagan at lubos na pagbabalik ng kalusugan ni Bishop Jaucian.

“On November 7, 2026, it was announced that our Holy Father, Pope Leo XIV, has accepted the resignation of our beloved shepherd, the Most Rev. Leopoldo C. Jaucian, SVD, D.D., due to health reasons. With grateful hearts, we thank Bishop Jaucian for nearly twenty years of loving guidance and devoted service to the Church in Abra. Let us continue to keep him in our prayers, asking the Lord to grant him healing, comfort, and a full recovery.” Bahagi ng panawagan ni Fr. Ortega.

Binigyang-diin ng Simbahan na ang pagkilala at pasasalamat sa mga pastol na nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod ay bahagi ng pagkakaisa ng sambayanang Kristiyano, kung saan sa panahon ng karamdaman at pagbabago sa pamumuno, mahalaga ring ipakita ang malasakit sa pamamagitan ng panalangin at patuloy na pakikiisa sa buhay at misyon ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 25,679 total reads

 25,679 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 87,373 total reads

 87,373 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 133,071 total reads

 133,071 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 234,339 total reads

 234,339 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 302,920 total reads

 302,920 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top