Panukalang pagtatatag ng Pax Silica, tinututulan ng IFMCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,264 total reads

Mariing tinutulan ng Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines (IFMCP) ang panukalang pagtatatag ng Pax Silica sa Pilipinas at nanindigan laban sa mapanirang pagmimina at iba pang gawaing nagbabanta sa kalikasan, karapatang pantao, at kabuhayan ng mahihirap na pamayanan.

Sa kanilang joint statement kasunod ng General Assembly na ginanap noong Nobyembre 6 hanggang 8, 2026 sa Inter-Franciscan Formation Center sa Paenaan, Baras, Rizal, binigyang-diin ng Pamilyang Pransiskano na hindi dapat isakripisyo ang buhay ng tao at ang kalikasan sa ngalan ng pag-unlad.

Ayon sa pahayag ng IFMCP, “These developments remind us that progress must never be pursued at the expense of human life, the poor, and creation. As Franciscans, we cannot remain indifferent to these realities. Our Gospel commitment calls us to take a prophetic stand, to speak where human dignity is threatened, and to defend the integrity of our common home.”

Kabilang sa kanilang mga binigyang-pansin ang mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence at ang mga posibleng implikasyon ng Pax Silica sa kapaligiran, karapatang pantao, at mga pamayanang maaaring maapektuhan nito.

Bilang bahagi ng kanilang paninindigan, sinabi ng IFMCP na bukas sila sa pakikipag-usap sa pamahalaan habang patuloy na ipinaglalaban ang pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan din ang IFMCP ng “responsible governance, environmental accountability, and the protection of communities whose voices are often unheard.”

Partikular namang ipinahayag ng Pamilyang Pransiskano ang kanilang pagtutol sa Pax Silica at ang pangakong palalawakin ang kaalaman ng kanilang mga komunidad hinggil sa mga posibleng epekto nito.

“We recognize the growing public concerns and opposition surrounding the proposed establishment of Pax Silica and other related activities in the Philippines. As a Franciscan Family, we commit ourselves to informing and educating our communities about its possible social, environmental, economic, and geopolitical implications,” Ayon sa joint statement ng IFMCP.

Binigyang-diin din ng mga Franciscans na “Development must never be pursued at the expense of human dignity, national interest, and ecological integrity.”

Samantala, iniugnay din ng IFMCP ang kanilang paninindigan sa paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco ng Assisi, na nagsisilbing paalala sa kanilang bokasyon ng pagpapakumbaba, kapatiran, at pagmamahal sa lahat ng nilikha.

Sa temang “One Franciscan Family, One Gospel Mission: Walking Together with the Poor and Creation,” kinilala rin ng Pamilyang Pransiskano ang pagkukulang ng kanilang mga komunidad sa pagtugon sa pangangailangan ng mga maralita at sa pagkasira ng kalikasan.

Kabilang sa iba pang resolusyon ng IFMCP ang pagpapalakas ng pastoral na pangangalaga sa buhay at pamilya, pagtataguyod ng dignidad ng bawat tao, at pakikiisa sa mga katutubo, magsasaka, mangingisda, at mga biktima ng kawalang-katarungan at pagkasira ng kalikasan.

Nangako rin ang Pamilyang Pransiskano na tutulan ang korapsyon, pagsasamantala, at mga di-makatarungang sistemang nagpapahirap sa mga komunidad, habang isinusulong ang kapayapaan, katarungan, karapatang pantao, at kabutihang panlahat.

Samantala iginiit din ng IFMCP na ang pagiging iisang Pamilyang Pransiskano ay nangangahulugan ng sama-samang pananagutan sa pagpapahayag at pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

“We echo the call of the Church to rebuild the house of God (MH 7). This rebuilding demands more than words; it calls for courage, solidarity, and a willingness to stand with the Gospel values,” Ayon pa sa pahayag.

Hinimok din ng mga Franciscans ang bawat isa na maging kapatirang hindi nagwawalang-bahala, Simbahang hindi tumatalikod sa pagdurusa ng mundo, at misyon na kumikilala sa presensya ni Kristo sa mga mahihirap, nasa laylayan, at sa buong sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 31,708 total reads

 31,708 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 79,397 total reads

 79,397 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 180,663 total reads

 180,663 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 250,839 total reads

 250,839 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 335,453 total reads

 335,453 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top