Kasaysayang ayaw nating maulit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,264 total reads

Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at sinampahan na ng kaso, pero patuloy pa rin ang paghahanap ng ganap na pananagutan. 

Hindi pa nga natutuldukan ang usaping ito, may mga kuwestiyonableng proyekto na naman sa 2027 national budget na nagpapahiwatig na posibleng maulit ang mga anomalya ng nakaraan. Dagdag sa mga multipurpose buildings (na tinalakay natin kahapon) ang mga farm-to-market roads na ang nakatalang coordinates o lokasyon ay tumuturo sa dagat. Halimbawa, may mga proyekto sa Nueva Ecija na ang coordinates ay nasa karagatan ng Philippine Rise. Ang mga proyekto sa Cebu naman ay nakaturo sa Celebes Sea na nasa timog ng Mindanao. Ang coordinates naman ng mga proyekto sa Quezon ay lumilitaw sa dagat malapit sa Brunei.

Iginiit ng mga kongresista na dumaan sa tamang proseso ng beripikasyon ang mga proyekto at maaaring pagkakamali lamang sa pag-encode ang mga maling coordinates. Una nang sinabi ng People’s Budget Coalition, na nagsiwalat ng mga impormasyong ito, na hindi nila pinararatangan ang mga mambabatas ng katiwalian. Pero ang tanong ng grupo na tanong din natin: Kung masusing nasuri ang budget ng mga ahensyang magtatayo ng mga farm-to-market roads na ito, bakit nakalusot ang ganitong mga typographical error? Kung tunay na maayos ang proseso gaya ng iginigiit ng mga kongresista, dapat nakikita ito sa tama at kumpletong dokumentasyon, hindi lamang sa mga paliwanag matapos mabunyag ang problema.

Kung ganito na nga ang ating nakikita sa mga proyektong may dokumentasyon, lalong nakababahala ang halos 7,000 na proyektong walang malinaw na impormasyon. Lalo nitong nililimitahan ang kakayahan ng publiko na busisiin kung saan at paano gagastusin ang bilyun-bilyong pisong pondo. Kung walang dokumentong mapagbabatayan, hindi matutukoy ang mga kahina-hinalang detalye, hindi maituturo ang mga pagkakamali sa pag-encode, at hindi mahihingi ang paglilinaw bago pa tuluyang maaprubahan ang pondo.

Hindi kailangang patunayang may katiwalian na bago humingi ng paliwanag. Bahagi ng pananagutan ng pamahalaan ang tiyaking may sapat na batayan ang bawat proyektong pagkakagastusan gamit ang buwis ng taumbayan.

Ito ang aral na dapat nating natutunan sa flood control scandal. Hindi sapat na imbestigahan ang mga anomalya kapag naibulgar na, naibulsa na ang pera, at nagdusa na ang mga komunidad. Kailangang pigilan ang mga kahina-hinala at kuwestiyonableng alokasyon bago pa maaprubahan at maipatupad ang mga ito. 

Ang paalala sa 2 Corinto 8:20–21 na dapat sikaping gawin ang marangal—hindi lamang sa paningin ng Panginoon kundi maging sa paningin ng mga tao—ay dapat maging gabay ng mga nasa kapangyarihan sa paggamit ng pondo ng bayan. Responsabilidad ng mga ahensya at mambabatas na tiyaking makatwiran ang bawat proyekto, kumpleto at tama ang mga impormasyong nakatala, at bukás sa publiko ang dokumentasyon nito. Hindi lang dapat nakasalalay sa mga mamamayan at mga grupong nagbabantay sa budget ang pagtuklas sa mga pagkakamaling dapat sana ay nabantayan na sa proseso ng ating Kongreso. Gayunpaman, binibigyang-diin din sa Pacem in Terris na karapatan nating mga mamamayan na aktibong makilahok sa mga usaping pampamahalaan. Kabilang dito ang pagsusuri sa paggamit ng pondo ng bayan, pagtatanong, at panawagan ng pananagutan. Bagamat pangunahing tungkulin ito ng pamahalaan, mahalaga ring patuloy tayong makilahok at magbantay upang matiyak na ginagamit nang wasto ang pondo ng bayan.

Mga Kapanalig, huwag na sana nating hayaang maulit ang flood control scandal. Tama na! Kaya mahalagang patuloy na suriin ng mga mamamayan ang budget, kuwestyunin ang mga kahina-hinalang alokasyon, at panagutin ang mga nasa kapangyarihan. Gaya nga ng paalala ng People’s Budget Coalition: “Buwis natin ito. Boto natin ito. Budget natin ito.”

Sumainyo ang katotohanan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 29,717 total reads

 29,717 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 3,265 total reads

 3,265 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 52,862 total reads

 52,862 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 102,614 total reads

 102,614 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 261,808 total reads

 261,808 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 288,845 total reads

 288,845 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Angry nerds

 52,863 total reads

 52,863 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 102,615 total reads

 102,615 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 261,809 total reads

 261,809 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 288,846 total reads

 288,846 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »
Scroll to Top