Solid Waste Management, hindi lamang tuwing UNDAS ipinapatupad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,269 total reads

Binigyang diin ng Ecowaste Coalition na hindi lamang dami ng nakolektang basura ang dapat tingnan matapos ang Undas, kundi kung may maayos at tuloy-tuloy na sistema ng solid waste management sa mga sementeryo at lokal na pamahalaan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Ms. Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition na nagsagawa ang kanilang grupo ng monitoring sa pitong lugar upang tingnan kung naipatutupad ang mga wastong gawain sa ilalim ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

“Kasi ho maganda po kasing tingnan po… kung ‘yung pong batas… mula na ise-segregate siya, siya po ay ire-recycle, siya po ay ikokompost, ay ilalagay sa tamang lalagyan, sa material recovery facility kung meron po ang mga sementeryo. ‘Yun po kasi ‘yung mahalaga… na ‘yung may sistema.” Bahagi ng pahayag ni Tolentino sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin niyang hindi dapat tuwing Undas lamang isinasagawa ang wastong waste management kundi buong taon.

“Kasi kung intact po ‘yung sistema, weather ito po ay Undas o hindi, ‘yung pong practice na ‘yun, ‘yung sistemang ‘yun ay gagawin po all throughout the year.” Dagdag pa ni Tolentino.

Ipinaliwanag din ni Tolentino na ang zero waste ay nangangailangan ng pagbabago sa lifestyle at tamang paghihiwalay ng basura mula sa pinagmumulan.

“Kaya sa zero waste po kasi, ito po ‘yung pamumuhay na walang pag-aaksaya.” Ayon pa kay Tolentino.

Mahalaga rin, ayon kay Tolentino, na ang segregation ay nagsisimula mismo sa pinagmumulan ng basura at hindi lamang sa oras na ito ay kinokolekta.

Aniya, kung sama-samang kinokolekta ang iba’t ibang uri ng basura at isinasakay sa iisang trak, hindi naipatutupad ang wastong sistema na itinatadhana ng RA 9003.

“Eh ang sabi po kasi ng batas, kailangan po mula sa source, kailangan hiwalay na po natin ‘yun. Eh ang nangyayari, kokolek, sama-sama po doon sa waste bins, tapos po isasakay po sa trak, which is violation po kasi ‘yun ng RA 9003.” Dagdag pa ni Tolentino.

Ayon kay Tolentino, ang mga nabubulok ay dapat ibalik sa lupa sa pamamagitan ng composting, habang ang mga recyclable gaya ng papel, bote at bakal ay dapat maibalik sa recycling system kung saan ang mga residual waste lamang ang dapat mapunta sa landfill.

“Ang tahanan po talaga ng mga nabubulok ay ang lupa. Ibalik po siya sa lupa.” Ani Tolentino.

Para kay Tolentino, ang pagbawas ng basura ay nagsisimula sa simpleng pagbabago ng nakasanayang pamumuhay at sa pagkakaroon ng sistemang ipinatutupad nang tuloy-tuloy sa mga komunidad.

Sa pananaw ng Simbahan, ang ganitong pangangalaga sa kapaligiran ay bahagi rin ng pananagutan ng tao bilang tagapangalaga ng sangnilikha kung saan kinakailangan ang wastong paggamit ng mga likas na yaman at pag-iwas sa pag-aaksaya bilang pagpapakita rin ng malasakit hindi lamang sa kalikasan kundi sa kapwa at sa mga susunod na salinlahi.

UNDAS 2026, generally peaceful

 2,139 total reads

 2,139 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 6,946 total reads

 6,946 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 56,699 total reads

 56,699 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 215,890 total reads

 215,890 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 243,051 total reads

 243,051 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 277,063 total reads

 277,063 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 2,141 total reads

 2,141 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top