Bunga ng araw-araw na karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 322,131 total reads

Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan sa mga dahilang nag-udyok sa mga ito ay ang matinding kakulangan sa sektor ng edukasyon, tumataas na presyo ng pabahay at pamumuhay, at lumalalang pampublikong serbisyo. Marami sa mga protesta ang humantong sa karahasan.

Sa France, mahigit kalahating milyong estudyante, guro, magulang, manggagawa, at iba pa ang nagmartsa sa lansangan noong isang linggo. Mapayapa ang protesta ng karamihan, pero may ilang nanira at nagsunóg ng mga ari-arian at pampublikong gusali. May ilan ding sinamantala ang kaguluhan para magnakaw sa mga establisimyento. Karahasan din ang tugon ng mga pulis sa ilang lugar, at umabot sa 2,500 katao ang inaresto. Nagsimula ang mga demonstrasyon noong Setyembre sa pagprotesta ng mga estudyante hinggil sa kakulangan sa guro at pasilidad sa mga paaralan at underinvestment sa kanilang edukasyon. Lumawak na ito sa mga pagprotesta tungkol sa kakulangan sa pampublikong serbisyo at bumababa pero nagmamahal na living standards. 

Sa Pilipinas naman, nagkampo at nagprotesta din ang mga magsasaka, magbubukid, mangingisda, katutubo, at iba pang sektor sa labas ng Department of Agrarian Reform (o DAR) at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) noong nakaraang linggo. Nagmartsa rin sila patungong Mendiola sa Maynila para igiit ang mga panawagan nila sa karapatan sa lupa, kabuhayan, at mga isyu ng militarisasyon, panggigipit, at pangangamkam ng lupa sa kanayunan. Bilang tugon sa pagprotesta, gumamit ng matinding puwersa ang kapulisan. Giniba nila ang ilang bahagi ng kampuhan at gumamit ng dahas hindi lang sa mga nagprotesta kundi pati mga taga-media na nag-uulat sa kaganapan.

Kinundena ng Ecumenical Bishops Forum (o EBF) ang marahas na pagtugon ng pulis at nanawagan sa mga awtoridad na protektahan ang mga karapatan sa mapayapang pagtitipon at kalayaan sa pamamahayag. Ayon sa EBF, ang kabiguan ng gobyerno sa pagbibigay ng sapat na tulong sa mga magsasaka, lalo na sa gitna ng matinding El Niño, ay isang “moral failure”—isang kabiguang itaguyod ang tama at Mabuti. Dagdag pa ng mga obispo mula sa iba’t ibang Kristiyanong denominations, ang pakikibaka ng mga magsasaka at magbubukid para sa lupa, kabuhayan, pagkain, at katarungan ay pakikibaka para sa buhay mismo. At tayo sa Simbahang Katolika ay napakalaki ng pagpapahalaga sa buhay at dignidad, kaya dapat din nating tutulan ang mga bagay na binabalewala at nilalabag ang mga ito.

Marami sa atin ang mabilis bumatikos sa mga kaguluhan at karahasang nangyayari sa mga pagprotesta, sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Gayunpaman, ganoon din sana ang pagkundena natin sa istruktural na karahasang nangyayari sa pang-araw-araw na buhay natin. Ito ang mga uri ng karahasang tila ordinaryo pero malawak at malalim ang ugat. Nagbabayad tayo ng buwis, araw-araw na kumakayod, at lumalaban sa buhay nang patas. Pero ang mga sakim at tiwali ay patuloy tayong ninanakawan ng maginhawang buhay at maunlad na kinabukasan dahil prayoridad nila ang pagkamkam ng salapi at kapangyarihan. Hindi ba’t karahasan din ang gutom, kahirapan, kawalan ng disenteng tirahan, kakulangan sa edukasyon, krisis sa klima, at mga trahedyang dulot ng korapsyon at kasakiman sa yaman?

Mga Kapanalig, ang kahirapan, pagkakait sa karapatan, at kawalan ng katarungan ay mga karahasang hindi dapat natin tinatanggap na parang likas na bahagi ng ating lipunan. Panagutin natin ang mga dapat managot. Alalahanin natin na ang mga pagprotestang madalas na tinatawag nating ”magulo” ay bunga ng mga pang-araw-araw na karahasan. At gaya ng wika sa Isaias 32:16-17, ang bunga naman ng katarungan at katuwiran ay kapayapaan—at ito’y “magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.”

Sumainyo ang katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,176 total reads

 22,176 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,753 total reads

 47,753 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,189 total reads

 118,189 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,705 total reads

 204,705 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,727 total reads

 247,727 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,582 total reads

 295,582 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,754 total reads

 47,754 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,190 total reads

 118,190 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,706 total reads

 204,706 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,728 total reads

 247,728 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top