Itaguyod ang simbahang bukas sa lahat, apela ng bagong Obispo ng Diocese of Tagbilaran sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,015 total reads

Hinimok ng bagong obispo ng Diocese of Tagbilaran ang mga mananampalataya na sama-samang maglakbay at itaguyod ang isang Simbahang bukas para sa lahat.

Umaasa si Bishop Crispin Varquez na magkakaisa ang simbahan, pamahalaan at lahat ng sektor sa pagtataguyod sa misyon ng simbahan kasabay ng pagsisimula sa kanyang gawaing pastoral sa diyosesis na may mahigit sa isang milyong nasasakupan.

“I want to journey with you. Allow me to walk with you. And most of all, allow me to love you,” mensahe ni Bishop Varquez kasunod ng kanyang installation at canonical possession sa Tagbilaran Cathedral nitong Oct. 27.

Apela ng obispo sa mamamayan, lalo na sa mga lider ng pamahalaan, na tiyaking hindi mabubura ng pag-unlad ng turismo at ekonomiya ng lalawigan ang kultura, pananampalataya, at pagkakakilanlan ng mga Boholano.
Aniya, dapat igalang ng turismo ang kalikasan, pangalagaan ang dignidad ng mga manggagawa at komunidad, kasabay ng paglago ng ekonomiya, at tiyaking naisasalin sa susunod na henerasyon ang mayamang tradisyon na humuhubog sa mga Boholano.

“The true measure of progress is not simply the number of tourists who come here, nor merely the employment generated by tourism… “Let Bohol welcome the world without losing our identity as Boholano people,” ayon pa sa obispo.

Hinimok din ng pastol ang mga lingkod ng Simbahan na panatilihin ang diwa ng synodality o sama-samang paglalakbay, kabilang ang pagiging bukas sa mga mungkahi at sa pagtutuwid.

Ayon sa obispo, hindi niya kayang harapin nang mag-isa ang mga hamon sa kanyang bagong ministeryo, kaya mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng buong lokal na Simbahan.

Kaugnay nito, sa homiliya ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kababaang-loob at pagiging payak sa paglilingkod bilang isang obispo tulad ng episcopal motto ni Bishop Varquez na Humilitas et Simplicitas.

Ipinaalala ni Cardinal Advincula na ang tunay na pamumuno sa Simbahan ay nakaugat sa pagkilala sa Diyos bilang pinagmumulan ng buhay at biyaya.

“Humility means remembering that we are creatures, not the Creator; that we are finite and limited, not almighty or all-knowing; and that our lives remain in the hands of God, who gives us life,” ani Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag din ng kardinal na sa kabila ng kakayahan, karanasan at mga nagawa ng isang obispo, mahalagang manatili itong mapagpakumbaba at handang sumunod sa paggabay ng Diyos.

“At its core, simplicity means having a heart that is not complex, a heart that is not complicated by desires and attachments that pull it apart, because it is a heart that belongs only to Jesus, a heart that focuses always on Jesus,” dagdag pa ng kardinal.

Binigyang-diin naman ni Bishop Varquez na ang pangunahing misyon ng Simbahan ay ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita at ng pagmamahal ni Kristo.

“The Church exists because of the mission—no other reason, because of the mission,” aniya.

Hiniling ng bagong obispo ang panalangin, pakikiisa, at suporta ng mga mananampalataya upang maipagpatuloy at mas mapalawak pa ang ebanghelisasyon sa lalawigan, hindi lamang sa pamamagitan ng salita kundi sa kabanalan ng buhay, kababaang-loob, at pagmamahalan.

Pinasalamatan din ni Bishop Varquez ang mananampalataya ng Eastern Samar na kanyang nakasama sa paglalakbay sa loob ng 19 na taon kung saan magkaisang hinarap ang mga hamon tulad ng mapanganib na kalamidad ng Bagong Yolanda noong 2009.

Si Bishop Varquez, na inordinahang pari ng Tagbilaran, ay itinalagang obispo ng Diocese of Borongan noong 2007, at makalipas ang halos dalawang dekada ay naitalagang ikawalong obispo ng Tagbilaran noong September 10, isang taon matapos ang pagiging sede vacante.
Pinangunahan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang pagluklok kay Bishop Varquez, katuwang si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Dumalo sa pagtitipon ang daan-daang mananampalataya ng Bohol at Borongan gayundin ng mahigit sa 50 mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 39,645 total reads

 39,645 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 146,586 total reads

 146,586 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 231,955 total reads

 231,955 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 278,692 total reads

 278,692 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 326,564 total reads

 326,564 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 423,152 total reads

 423,152 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top