Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,123 total reads

Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El Niño. Ito ang bilin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ang tubig daw na maiipon sa mga balde, maaaring maging malinis at ligtas inumin sa pamamagitan ng mga filtration kits na ipamamahagi ng gobyerno.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang El Niño bago matapos ang 2026, at posibleng magpatuloy ito hanggang sa unang bahagi ng 2027. Magdudulot ito ng kakulangan sa ulan at tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa. Ang resulta: mas kaunting tubig na makararating sa ating mga tahanan.

Wala namang mali sa paalala ni PBBM, pero kung ito lang ang naiisip niyang solusyon para maibsan ang mga epekto ng El Niño, parang ipinapasa lang sa mga mamamayan ang responsabilidad sa pagharap sa krisis. Naghahanap ang taumbayan ng malinaw na plano para sa buong bansa, pero ang natanggap nila ay paalala na nagpapahiwatig na nakasalalay lang sa kanila ang solusyon. Ipinauubaya na sa mga mamamayan ang pag-iipon ng tubig at paglilinis nito; may ipamimigay naman daw na water filtration kits ang gobyerno. 

Lalo pang naging kontrobersyal ang usapin nang magkomento si Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na kailangan ng mga kritiko ng “baldeng utak” upang maintindihan ang pahayag ng pangulo. Sa halip na ibsan ang pangamba ng publiko at ipaliwanag nang maayos ang mga hakbang ng pamahalaan, insulto pa ang natanggap ng mga naghahanap ng kasagutan.

Sa panahong pangamba sa hinaharap ang namamayani, hindi masisisi ang mga mamamayan na maghanap ng malinaw na gagawin ng pamahalaan dahil nasa mga kamay nito ang pondo at ito ang nagpapatupad ng mga patakarang tutugon sa ating mga pangangailangan. Kaunti na lang ang panahon para maghanda sa mga epekto ng matinding El Niño, kaya makatwirang asahan na gagawa ang pamahalaan ng mga hakbang na sila mismo, bilang mga lingkod-bayan, ang magsasakatuparan—higit sa pamimigay ng pansala ng tubig.

Sa sumunod na press conference, inilatag ni Usec Castro ang mga plano ng gobyerno. Aniya, naghahanap na ito ng alternatibong mapagkukunan ng tubig, dinadamihan na ang mga water treatment plants at water systems sa bansa, at muling pagaganahin ang mga balón upang madagdagan ang suplay. Kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian, ipinakita rin ni Usec Castro kung paano gamitin ang mga filtration kits na binanggit ng pangulo. Tiwala rin ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (o MWSS) na maiiwasan ang kakulangan sa tubig dahil naghahanda na ito mula pa noong 2022.

Kung ang mga hakbang na ito ang higit na binigyang-diin ng pangulo sa halip na ang payo tungkol sa mga balde, maaaring mas naunawaan ng publiko ang lawak ng paghahanda ng pamahalaan. 

Pero hindi sapat na tiyakin lamang na sapat ang suplay ng tubig. Kailangang ding may plano kung ano ang gagawin sa suplay. Kailangang maitukoy kung sino ang higit na mangangailangan ng tulong, ano ang kanilang kakailanganin, at paano at kailan ito dapat makarating sa kanila. Higit sa lahat, kailangang masigurong maisasakatuparan ang mga plano at matiyak na makararating sa mga mamamayan ang tulong kapag lubos nang nararamdaman ang mga epekto ng El Niño.

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa 1 Corinto 12:26, kapag nagdurusa ang isang bahagi, nagdurusa ang lahat. Sa diwa ng pagkakaisa, mahalagang gampanan natin ang ating responsabilidad bilang mga indibidwal at bahagi ng komunidad na magtipid at mag-ipon ng tubig bilang paghahanda sa Super El Niño. Pero higit sa pagkilos ng bawat isa, tungkulin din ng pamahalaan na maglatag at magpatupad ng malinaw at komprehensibong plano upang matiyak na walang maiiwan sa panahong higit na kailangan ang tulong.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 6,126 total reads

 6,126 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 112,926 total reads

 112,926 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 199,039 total reads

 199,039 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 269,172 total reads

 269,172 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 302,557 total reads

 302,557 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 199,041 total reads

 199,041 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 269,174 total reads

 269,174 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 302,559 total reads

 302,559 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »
Scroll to Top