Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,421 total reads

Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa “discretionary lines”,bilyong piso sa mga ghost projects.

Tayong mga Pilipino ang laging pumapasan sa “systemic tax” na ipinapataw habang ang kaban ng bayan ay pinagpapartehan ng mga sakim na opisyal ng bayan.

Papaano matitigil ang endemic na corruption kung ang mismong nag-apruba sa pambansang budget ay bihasa sa budget insertions? Sa salita, paulit-ulit nating naririnig sa pangulo ng bansa., sa mga mambabatas, wawakasan nila ang nagiging kultura ng korapsyon. Walang nangyari, taon-taon balik uli sa dating script, kickback dito, kickbacks doon. Walang napaparusahan, walang accountability!

Kapanalig, ang tunay na anti-corruption reform ay nangangailangan na basagin at ituwid ang “loopholes” sa paggamit sa pera ng taumbayan, parusahan ang mga tiwaling opisyal bago pa maglaho ang pera ng bayan.

Sa budget deliberations ng Kongreso nagaganap ang budget insertions at triple-triple ang confidential at unprogrammed allocations na nakakalusot sa matinding public debate. Kahit masilip ang iregularidad, umaabot ng ilang administrasyon ang imbestigasyon pa lamang, sa tagal nadidismis ang kaso, o kaya watered-down ang parusa, sa huli: recycled na mga opisyal.

Para sa isang ordinaryong Pilipino, ang katiwalian ay hindi isang legal na usapin. Ang sentimo., ang bawat piso na napunta sa kickbacks, overpriced na government contract., ghost projects ay perang ninakaw mula sa masikip na silid-aralan, walang ponding barangay health centers, mga commuters na nagtitiis sa depektibong mass transit.

Kapag nakakaligtas sa accountability ang matataas na opisyal ng gobyerno habang ang mga ordinaryong mamamayan ay pinapatawan ng matinding penalties sa napakaliit na pagkakasala, ang tiwala sa demokratikong institusyon ay nawawala.

Kapanalig, para matigil na ang cycle of corruption, kailangan ang konkretong institutional na pagkilos sa halip na recycled slogans. Kailangan din ang matinding pagbabantay sa budget deliberations ng Senado sa 7.2-bilyong pisong 2027 national budget at bicameral conference committee para matiyak na mapupunta sa serbisyo publiko ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Napananahon na ring magiging accessible ang procurement portals ng alinmang sangay ng pamahalaan sa mga mamamahayag, journalists, watchdog at mamamayang Pilipino upang manumbalik ang kultura ng honesty sa gobyerno.

Harinawa Kapanalig, manaig at maisabuhay ng bawat opisyal ng bayan at maging ng mga Pilipino ang sinasabi ng Philippians 2:3-4: “Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 82,893 total reads

 82,893 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 1,422 total reads

 1,422 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 145,313 total reads

 145,313 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 261,088 total reads

 261,088 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 381,598 total reads

 381,598 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Usapang klima

 145,314 total reads

 145,314 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 261,089 total reads

 261,089 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 381,599 total reads

 381,599 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »
Scroll to Top