38 pantalan sa bansa, bibisitahin ng Stella Maris Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,986 total reads

Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang pagpapalawak ng programang pagbisita sa mga barko sa 38 pantalan sa buong bansa upang higit na mapalapit ang pastoral at welfare services ng Simbahang Katolika sa mga marino.

Ayon kay Fr. Jose Conrado Estafia, national director ng Stella Maris Philippines, bahagi ito ng pagpapalawak ng kanilang pagpapastol sa hanay ng mga marino.

“We already have existing ship visits in Cebu. However, through our Memorandum of Agreement with the Bureau of Customs, these visits will be expanded to 38 ports nationwide, most of which are international ports,” pahayag ni Fr. Estafia sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng pari na hindi lamang ang mga marino kundi maging ang kanilang mga pamilya ang patuloy na tinutulungan ng organisasyon, kabilang ang pagsasangguni sa Overseas Workers Welfare Administration at sa Department of Migrant Workers para sa kanilang mga pangangailangan at suliranin.

Gayundin, ang pagtutok sa pangangailangan ng mga mangingisda at ng kanilang pamilya na bahagi rin ng gawain ng Stella Maris.

“We will continue accompanying our seafarers and fishers, especially migrant fishers, as well as local fishers. We will be with them, walk with them, and journey with them. This is truly a commitment of Stella Maris Philippines—not only to the seafarers and fishers themselves but also to their families,” dagdag pa ng pari.

Kasabay nito, palalakasin din ng Stella Maris Philippines ang mga programang pangkalusugang pangkaisipan para sa mga marino at kanilang pamilya sa tulong ng mga psychologist at iba pang eksperto.

Ayon kay Fr. Estafia, mahalagang maisama sa kanilang mga programa ang mga resulta ng mga pag-aaral tungkol sa mga psychological problems at coping mechanisms ng mga marino upang mas matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Samantala, iginiit ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines, na dapat matiyak ng Simbahan na walang marino, mangingisda, maritime worker, o miyembro ng kanilang pamilya ang nakararamdam na nakalimutan sila ng Simbahan.

Sa kanyang mensahe para sa 2026 National Conference ng Stella Maris Philippines, tiniyak ng obispo ang patuloy na paglingap sa kanilang hanay sa diwa ng misyon ng Simbahan.

“Let us continue building bridges of compassion among those whose lives are shaped by the sea, ensuring that no seafarer, fisher, maritime worker, or family member ever feels forgotten by the Church,” ayon kay Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na dapat manatiling isang simbahang marunong makinig, umunawa at umagapay sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Aniya, dapat maging komunidad ang Stella Maris na inuuna ang pakikiisa at paglilingkod kaysa sa pagkilala at pagpapahalaga sa sarili.

“May we remain a community that accompanies before it instructs, listens before it speaks, welcomes before it judges, and serves before it seeks recognition,” ayon kay Bishop Santos.
Samantala, pinagtibay naman ng Stella Maris United Kingdom ang kahalagahan ng pandaigdigang pagtutulungan upang matiyak ang tuluy-tuloy na pag-alalay sa mga marino, saanman sa mundo sila nagtatrabaho.

Ayon kay Tim Hill, national director at chief executive officer ng Stella Maris UK, mahalaga ang tinatawag nilang “golden thread” o pagpapatuloy ng pangangalaga sa mga marino sa pamamagitan ng koordinasyon ng kanilang mga chaplain sa iba’t ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Hill na kapag may nangangailangan ng tulong na marino sa isang bansa, maaaring makipag-ugnayan ang chaplain sa kanilang mga katuwang sa ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas, upang matiyak na matutugunan din ang pangangailangan ng pamilya ng marino.

Nasa 75 delegado mula sa iba’t ibang Stella Maris Centers sa bansa ang lumahok sa 2026 National Conference ng Stella Maris Philippines na isinagawa mula November 23 hanggang 26 sa Flushing Meadows Resort sa Dauis, Bohol.

Tampok sa pagtitipon ang pagpapalakas ng pagkakaisa, pagbabahagi ng mga karanasan at kaalaman, at pagpapaunlad ng mga programang naglalayong pangalagaan ang kapakanan ng mga marino, mangingisda at kanilang mga pamilya.

Gayundin inilunsad ang website ng organisasyon na Stellamaris.ph na layong palawakin pa ang misyon ng ebanghelisasyon sa digital platforms.

May temang “Pray, Learn, and Play: Stella Maris-Philippines’ Synodality in Action,” layunin din ng kumperensya na palakasin ang samahan ng mga chaplain, pastoral workers at volunteers na katuwang sa paglilingkod sa mga seafarers, fisher folks, port workers, at kanilang mga pamilya.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 57,345 total reads

 57,345 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 99,893 total reads

 99,893 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 215,673 total reads

 215,673 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 336,252 total reads

 336,252 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 381,292 total reads

 381,292 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top