Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,355 total reads

Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay at ipahayag ang kanilang pananampalataya, kasabay ng paggunita ngayong November 25 sa Red Wednesday 2026.

Sa kanyang mensahe, hiniling ng obispo na alalahanin at ipanalangin ang mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya, kabilang ang mga martir, mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, at mga pamayanang nagsisikap na makabangon mula sa karahasan at pag-uusig.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza na sa temang “United in His Passion, Radiant in His Light,” ipinapaalala ang pagkakaisa ng Simbahan sa pagdurusa ni Kristo, kung saan ang paghihirap ng isang bahagi ng Katawan ni Kristo ay paghihirap din ng buong Simbahan.

““Tonight, as our churches are lit in red, I ask you to remember those who gather to pray knowing that they may be threatened, driven from their homes, or even killed because of their faith. We remember the martyrs who gave their lives for Christ. We pray for those who still carry the wounds of persecution, for families who mourn, and for communities trying to rebuild their lives. When one member of Christ’s body suffers, we all suffer together (cf. 1 Cor 12:26),” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Hinimok din niya ang mga parokya, quasi-parishes, mission stations at chaplaincies na manalangin para sa mga inuusig na Kristiyano at bukas-palad na makibahagi sa espesyal na koleksiyon para sa Aid to the Church in Need Philippines.

Kaugnay nito, hinikayat ng obispo ang bawat isa na iwasang magpalaganap ng mga salitang nag-uudyok ng paghamak sa ibang relihiyon at sa halip ay manindigan para sa mga kapitbahay na nakararanas ng pagbabanta dahil sa kanilang paniniwala.

““The light shines in the darkness, and the darkness has not overcome it (Jn 1:5). When the red lights are turned off, may Christ’s light remain visible in the way we speak, the way we give, and whom we are willing to stand beside. May the Lord strengthen all who suffer for their faith and make us faithful brothers and sisters to them,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alminaza.

Dahil ayon kay Bishop Alminaza, hindi dapat matapos sa pagpatay ng mga pulang ilaw ang mensahe ng Red Wednesday, bagkus ay dapat manatiling makita ang liwanag ni Kristo sa paraan ng pakikitungo, pagbibigay at pakikiisa sa mga kapatid na nakararanas ng pag-uusig.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 1,357 total reads

 1,357 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 64,529 total reads

 64,529 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 5,051 total reads

 5,051 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 120,967 total reads

 120,967 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 241,547 total reads

 241,547 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 291,624 total reads

 291,624 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 39,731 total reads

 39,731 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top