Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 389 total reads

Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod sa kapwa, sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan ngayong Linggo, Nobyembre 22.

Inilarawan ni Archbishop Villegas si Hesukristo bilang isang haring hindi naghahari sa pamamagitan ng kapangyarihan, kayamanan o pagpaparusa, kundi sa pamamagitan ng pagmamahal at pagtanggap.

Sa kanyang mensahe, ginamit ng Arsobispo ang apat na uri ng baraha na may larawan ng hari upang ipaliwanag ang pagkakaiba ng paghahari ni Kristo sa karaniwang pananaw sa kapangyarihan.

Ayon kay Archbishop Villegas, hindi si Kristo ang haring nananakit, nagpaparusa, naghahangad ng kayamanan o naninira sa kapwa. Sa halip, inilarawan niya si Hesus bilang “Hari ng Puso” o “King of Hearts,” na nagbubukas ng Kanyang puso upang tanggapin ang lahat at maging tahanan ng kapayapaan para sa sangkatauhan.

““Christ is a different kind of King. He is not a King of Clubs who will hurt you, who will punish you, who will crush you. Christ is not a King of Diamonds who is after wealth and plenty and abundance. No, Christ is the King of Hearts. And the King of Hearts shows his kingship by opening his heart for us and welcoming us into that heart.,” ayon sa mensahe ni Archbishop Villegas para sa Christ the King Ngayong araw.

Samantala, hinimok ni Bishop Gaa ang mga mananampalataya na aktibong tumugon sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at paglilingkod sa kapwa. Binigyang-diin ng Obispo na ang paghahari ni Kristo ay ipinakita rin sa Kanyang pagmamahal, pagpapatawad at malasakit, lalo na sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa krus.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa na ang larawan ni Kristo bilang pastol na naghahanap sa nawawala, umaalalay sa mga napipilay at nagpapakain sa nagugutom ay paghahanda sa Kanyang pagiging hukom na susuri sa naging buhay ng bawat tao.

Kaugnay nito, binigyang-diin niyang ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan ang isa sa mga batayan ng paghuhukom, alinsunod sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo, kung saan itinuro ni Hesus na ang anumang ginawa sa pinakahamak Niyang mga kapatid ay ginawa rin sa Kanya.

““Umaasa tayo sa biyaya ng Diyos pero sa isang banda din, meron tayong responsibilidad sa biyayang ito. Na hindi tayo tutunganga lang, meron tayong active participation sa biyaya ng Diyos. ‘Yung patuloy nating pag-oo, patuloy nating pagsang-ayon sa pagtanggap ng biyaya ng Diyos.”” ayon sanmaan sa mensahe ni Bishop Gaa.

Sa huli, kapwa hinikayat ng dalawang lider ng Simbahan ang mga mananampalataya na isabuhay ang mga katangian ni Kristo sa kanilang pakikitungo sa kapwa. Ayon kay Archbishop Villegas, matatagpuan sa bukas at mapagmahal na puso ni Hesus ang tunay na kapayapaan, habang iginiit naman ni Bishop Gaa na ang pagtanggap sa biyaya ng Diyos ay may kaakibat na pananagutan at aktibong pagsunod sa Kanyang kalooban.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 180 total reads

 180 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 390 total reads

 390 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 10,802 total reads

 10,802 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 133,952 total reads

 133,952 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 184,316 total reads

 184,316 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 311,374 total reads

 311,374 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 396,417 total reads

 396,417 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top