287 total reads
Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Gerry Gamaliel Delos Reyes, OMI, bilang bagong apostolic vicar ng Jolo sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Si Bishop-elect Delos Reyes ang hahalili kay Archbishop Charlie Inzon na inilipat sa Archdiocese of Cotabato noong Disyembre 2025. Mula noon, nagsilbi si Archbishop Inzon bilang apostolic administrator ng vicariate habang wala pang naitatalagang kapalit.
Saklaw ng Apostolic Vicariate of Jolo ang mga lalawigan ng Sulu at Tawi-Tawi.
Dating provincial superior ng OMI sa Pilipinas si Bishop-elect Delos Reyes at nagsilbi sa posisyon nang dalawang magkasunod na termino mula September 2020 hanggang October 2026.
Ipinanganak sa Cotabato City noong 1964, pumasok siya sa seminaryo ng OMI noong 1983 at nag-aral ng pilosopiya sa Notre Dame University at teolohiya sa Loyola School of Theology.
Naordinahan bilang pari noong April 1993 at unang naglingkod bilang kura paroko sa Timanan, South Upi, bago naitalaga sa Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City.
Naging misyonero rin si Bishop-elect Delos Reyes sa Thailand noong 1998 at kalaunan ay nagsilbing superior ng OMI Thailand-Laos Delegation.




