Tularan si Maria sa pagtugon sa tawag ng Diyos-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pagtulad sa Mahal na Birheng Maria sa buong pusong pagtugon sa panawagan ng Diyos.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Señora de la Salud o Mahal na Birhen ng Salud sa San Nicolas de Tolentino Parish sa Quezon City.

Sa kanyang pagninilay, ibinahagi ni Cardinal Advincula ang tatlong dimensyon ng bokasyon na makikita sa buhay ni Maria: ang paghahandog ng sarili sa Diyos, ang lakas ng loob na tumugon sa Kanyang panawagan, at ang pananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok.

Ayon sa kardinal, ang bokasyon ay hindi lamang nakabatay sa propesyong nais tahakin, posisyong nais makamit o tagumpay na inaasam, kundi higit sa lahat ay sa kung kanino iniaalay ang buhay at kung sino ang nais paglingkuran.

Aniya, sa halip na ituon lamang ang pansin sa sariling mga plano at pangarap, mahalagang itanong ng bawat isa kung ano ang nais ng Diyos na gawin nila sa buhay na ipinagkaloob Niya.

“A vocation is not simply a career we choose, it is a life we offer,” ayon kay Cardinal Advincula.

Hinimok din ng arsobispo ng Maynila ang mga mananampalataya, lalo na ang mga kabataan, na maging bukas sa tawag ng Diyos, maging ito man ay sa buhay-pamilya, pagpapari, buhay-relihiyoso o iba pang anyo ng paglilingkod.

Hinikayat naman ni Fr. Robin Plata, OAR, Spiritual Director ng Cofradía del Tránsito de Nuestra Señora, ang mga mananampalataya na palalimin ang kanilang debosyon sa Mahal na Birhen ng Salud bilang bahagi ng pagpapalago ng pananampalataya.

Hinimok din ng pari ang mga naghahangad ng kagalingan na dumulog sa Mahal na Ina, hindi lamang para sa pisikal na kalusugan kundi maging sa espirituwal, emosyonal at mental na pangangailangan.

Kaugnay nito, ikalawang taon na ng paghahanda ng kapatiran para sa ika-400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng orihinal na imahen ng Mahal na Birhen ng Salud sa 2034.

Itinalaga ang kasalukuyang taon bilang Year of Vocations Consecrated to God, na nakatuon sa Paghahandog kay Maria sa Templo.

Ayon kay Fr. Plata, bahagi ito ng paghahanda upang higit na mapalalim ang pananampalataya at bokasyon ng mga deboto sa pamamagitan ng halimbawa ng Mahal na Birhen.

Binigyang-diin din niya na si Maria ang umaakay sa mga mananampalataya patungo kay Hesukristo, na siyang katotohanan, buhay at pag-asa ng sangkatauhan.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Father Plata na ang paghahanda para sa ika-400 anibersaryo ay pagkakataon upang higit na maunawaan at maisabuhay ang pananampalataya kay Maria.

“Nasa ikalawang taon na po tayo ng ating paghahanda para sa ika-apat na sentenaryo ng pagdating ng orihinal na imahen ni Inay Salud dito sa Pilipinas. At ang Year 2 po ay itinalaga natin bilang Year of Vocations Consecrated to God, the Presentation of Mary Most Holy. Ito po ay bahagi ng ating paglalakbay patungo sa 2034, ang ika-apat na sentenaryo ng pagdating ni Inay Salud dito sa Pilipinas,” ani Fr. Plata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 88,202 total reads

 88,202 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 173,612 total reads

 173,612 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 237,453 total reads

 237,453 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 318,771 total reads

 318,771 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 397,652 total reads

 397,652 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top