Simbahan, nakikiisa sa mga magsasaka at katutubong tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 384 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) sa mga magsasaka, katutubo at tagapagtanggol ng kalikasan na patuloy na lumalaban sa mga aktibidad ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Isinagawa ang solidarity mission mula Nobyembre 10 hanggang 12, 2026 sa mga komunidad sa Kasibu at Dupax del Norte, katuwang ang Franciscans International, Order of Friars Minor–Justice, Peace and Integrity of Creation (OFM-JPIC), Young Franciscan Advocates at Task Force Detainees of the Philippines.

Sa Kasibu, ibinahagi ng mga residente ang kanilang pagtutol sa mga aktibidad ng eksplorasyon ng North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC), na may permit na sumasaklaw sa humigit-kumulang 4,456 ektarya.

Iginiit ng mga magsasaka na mas mahalaga ang mga lupang sakahan na pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ng kanilang mga pamilya kaysa sa yamang mineral na nakabaon sa kabundukan.

Nagbigay naman ng pag-asa sa mga residente ang desisyon ng Regional Trial Court noong Nobyembre 11, 2026 na tanggihan ang aplikasyon para sa preliminary injunction laban sa mga nagbabantay sa community barricade at alisin ang umiiral na temporary restraining order.

Gayunman, patuloy na hinihiling ng mga residente ang pagkansela sa exploration permit ng kumpanya.

Sa Dupax del Norte, ibinahagi naman ni Florentino “Tinong” Daynos II, pangulo ng Dupax del Norte Environmental Defenders, ang kanilang patuloy na pagtutol sa mga aktibidad ng eksplorasyon ng Woggle Corporation.

Ipinahayag din ng mga residente ang kanilang pangamba sa kakulangan umano ng makabuluhang konsultasyon, posibleng epekto sa kalikasan at mga kasong kinakaharap ng ilang miyembro ng komunidad.

Bagama’t pansamantalang sinuspinde noong Pebrero 2026 ang exploration permit ng kumpanya, hindi pa ito nangangahulugan ng tuluyang pagkansela nito.

Binigyang-diin ni Daynos na ang patuloy nilang pagbabantay sa barricade ay isang pananagutan sa susunod na henerasyon.

“Leaving or quitting on the barricade is tantamount to saying we quit on our children, and that we can never do,” ani Daynos.

Nakipagpulong din ang delegasyon kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao at kay Fr. Crispin Costales, direktor ng Diocesan Social Action Center, upang talakayin ang patuloy na paggabay at pagtulong ng lokal na Simbahan sa mga komunidad na apektado ng mga usapin sa pagmimina.

Tinalakay rin ang posibilidad na maihatid sa United Nations ang mga hinaing ng mga residente sa pamamagitan ng Franciscans International. Kabilang dito ang pagsusumite ng mga ulat sa Universal Periodic Review at pakikipag-ugnayan sa mga eksperto ng UN tungkol sa karapatan ng mga katutubo, proteksiyon sa mga tagapagtanggol ng kalikasan at pananagutan sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay CMSP-JPICC National Coordinator Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM, mahalagang bahagi ng misyon ng Simbahan ang pakikiisa sa mga komunidad na nagtatanggol sa dignidad ng tao at pangangalaga sa sangnilikha.

Nagtapos ang solidarity mission sa pamamagitan ng sama-samang panalangin at pagbabasbas sa mga komunidad.

Muling pinagtibay ng misyon ang diwa ng Laudato Si’ ni Pope Francis na magkaugnay ang daing ng kalikasan at daing ng mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 88,207 total reads

 88,207 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 173,617 total reads

 173,617 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 237,458 total reads

 237,458 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 318,776 total reads

 318,776 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 397,656 total reads

 397,656 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top