Kabataang lalaki, hinimok na huwag panghinaan ng loob na tahakin ang bokasyon sa pagpapari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,439 total reads

Hinimok ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga kabataang lalaki na huwag panghinaan ng loob na tahakin ang bokasyon sa pagpapari sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga magulang at iba pang pagsubok sa buhay.

Ito panawagan sa Radyo Veritas ng Arsobispo sa paglulunsad ng University of Santo Tomas (UST) ng short film na “Pag-Uwi”.

Inihayag ni Archbishop Villegas na dapat maging inspirasyon sa mga kabataan ang buhay ni Bishop César María Guerrero, na nanindigan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos sa kabila ng mga hamon sa kaniyang bokasyon.

Ibinahagi rin ng Arsobispo na maging siya ay unang tinutulan ng kaniyang mga magulang sa pagnanais na magpari, ngunit kalaunan ay sinuportahan din siya nang makita nilang iyon talaga ang kaniyang nais at bokasyon.

Ayon kay Arcbishop Villegas, hindi dapat gawing dahilan ang pagtutol ng pamilya, relasyon, trabaho o pangamba sa kinabukasan upang talikuran ang pagnanais na magpari.

Ipinaliwanag din niya na inilalarawan sa pelikula ang iba’t ibang yugto ng buhay ni Guerrero sa pamamagitan ng dalawang karakter na sina Attorney Cesar at Father Mario, na kapwa dumaan sa mga pagsubok sa paghahanap at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Kabilang sa mga kuwentong itinampok ang paglilingkod ni Bishop Guerrero sa isang bahay-ampunan at sa mahihirap na komunidad sa San Mateo, Rizal, gayundin ang pakikiisa niya sa mga manggagawang nakikibaka para sa kanilang karapatan.

Binigyang-diin ni Arcbishop Villegas na natagpuan ni Bishop Guerrero ang presensiya ng Diyos sa mga ulila, manggagawa at mga inaapi, kaya ang kaniyang buhay ay nagsisilbing paalala na ang pagpapari ay hindi lamang tungkol sa paglilingkod sa Simbahan kundi maging sa mga higit na nangangailangan.

“Mga kabataang lalaki, kung meron kayong hangarin na pumasok sa seminaryo ay kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan. Kung hindi ka talaga kumbinsido, magulang mo, girlfriend mo, trabaho mo, sweldo, kinabukasan, anak, lahat na ‘yan gagawin mong dahilan. Pero kung gusto mo talaga magpari at naniwala ka na ikaw ay para sa pagpapari katulad ni Bishop Guerrero, against all odds, hahanapin ko ‘yung kalooban ng Diyos,” ayon sa panayam ng Raddyo Veritas kay Archbishop Villegas.

Samantala, sinabi ni Rev. Fr. Christopher Jeffrey L. Aytona, O.P., Associate Vice Rector for Administration ng UST General Santos at supervising producer ng pelikula, na sinasalamin ng “Pag-Uwi” ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Guerrero bilang tao, pari at obispo.

Ayon kay Father Aytona, mahalagang aral mula sa buhay ni Guerrero ang pagpili sa kalooban ng Diyos sa kabila ng mga hamon, dahil ang tunay na kagalakan ay hindi nasusukat sa kayamanan, kasikatan o kapangyarihan kundi sa paglilingkod sa Diyos at kapwa.

“Wala nang ibang success na maituturing natin sa buhay na ito kundi magkamit ‘yung kagalakan ng puso. Kasi kahit na ikaw ay mayaman, kahit na ikaw ay popular, makapangyarihan, pero kung wala ‘yung kagalakan ng puso, kulang at kulang pa rin. So, kung ‘yung kagalakan ng puso ay itinuturo sa atin ni Bishop Cesar Maria Guerrero na kailangan nating palaging umuwi pabalik sa Panginoon, umuwi sa kanyang kalooban at sa pamamagitan ng pagsunod ng kalooban ng Diyos, doon natin makakamit ang kagalakan,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Aytona.

Layunin ng “Pag-Uwi” na ipakilala sa publiko ang buhay, pananampalataya at pamana ni Guerrero, ang kauna-unahang Obispo ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan at isang Thomasian na kinikilalang halimbawa ng pagpapakumbaba, pagtitiyaga at paglilingkod.

Noong Enero 26, 2026, pinahintulutan ng Dicastery for the Causes of Saints ng Vatican ang pagbubukas ng proseso para sa beatipikasyon ni Guerrero, na pinagkalooban ng titulong Servant of God.

Pormal namang binuksan ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan ang kaniyang cause for beatification noong Marso 27, 2026, kasabay ng ika-65 anibersaryo ng kaniyang pagpanaw.

Nagsilbi si Guerrero bilang unang obispo ng Lingayen mula 1929 hanggang 1937 at ng San Fernando mula 1949 hanggang 1957

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 25,528 total reads

 25,528 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 87,222 total reads

 87,222 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 132,920 total reads

 132,920 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 234,188 total reads

 234,188 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 302,789 total reads

 302,789 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top