Maging handa sa kamatayan, paalala ni Bishop Gaa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,878 total reads

Hinimok ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya na patuloy ang pagbabagong-buhay at panatilihing nakatuon sa Panginoon ang kanilang puso sa halip na hintayin ang kamatayan bago maghanda sa Kanyang pagdating.

Sa Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon, binigyang-diin ng Obispo na walang sinuman ang nakaaalam kung kailan darating ang Panginoon o kung kailan magtatapos ang kanilang buhay.

“Hindi ‘yung tayo’y maghahanda lang kapag malapit na tayong mamatay, o magpapakabait lang tayo kapag malapit na tayong mamatay. Ang inaano ng Panginoon ay laging maging handa. Parang ituon ang mata, ituon ang puso, na pwedeng bukas, makalawa, tayo’y huhusgahan na ng Panginoon. Hindi kasi natin alam ang oras, ni araw kung kailan nga ang dating ng Panginoon,” ayon sa pagninilay ni Bishop Gaa.

HInalimbawa ni Bishop Gaa ang talinghaga ng sampung dalaga na naghanda ng kanilang mga ilawan, bilang paalala na ang tunay na paghahanda ay hindi ginagawa sa huling sandali kundi isinasabuhay araw-araw.

Aminado rin ang Obispo na likas sa tao ang pagkakaroon ng mga kahinaan at pagkakasala na naglalayo sa kanila sa Diyos, kaya mahalagang patuloy na hingin ang Kanyang grasya upang magkaroon ng pagbabago.

“Kung ‘yun magagawa natin, kasi sadyang may kahinaan tayo. ‘Yan nga, ang bunga niyan, ang kasalanan natin, bunga niyan ‘yung lumalayo tayo sa Panginoon. ‘Yun ay patuloy nating hinihingi ng grasya para sa pagbabago. Pero hanggang sa huling hininga natin, nandiyan pa rin ang kahinaan natin. Pero ang mas tinitingnan, tingin ko, ng Panginoon, paano nga ba tayo naghahanda?,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Gaa.

Ipinapanawagan ng Lumen Gentium ng Second Vatican Council sa lahat ng mananampalataya ang kabanalan at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 4,839 total reads

 4,839 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 106,105 total reads

 106,105 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 176,282 total reads

 176,282 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 262,777 total reads

 262,777 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 305,528 total reads

 305,528 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top