Isabuhay mabuting aral ng yumaong mahal sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,003 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagmamahal, paglilingkod at mabubuting aral na iniwan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay bilang paraan ng pagbibigay-pugay sa kanila.

Sa kanyang pagninilay, inilarawan ni Bishop Santos ang buhay bilang isang paglalakbay na may hangganan, kung saan ang bawat tao ay nagmula sa Diyos at nakatakdang magbalik sa Kanya.

Binigyang-diin niya na hindi maiiwasan ang kamatayan kaya mahalagang maging handa sa pamamagitan ng palagiang pananalangin at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

“Mga kapatid, higit silang mamayapa sa piling ng Diyos kung ang kanilang mga pangaral ay muli nating sasabihin at sasambitin, at ang kanilang mga gawain at halimbawa ay muli nating bubuhayin at isasabuhay. Sila ay higit na mamamahinga sa piling ng Diyos kapag nakikita nila na ang kanilang itinanim na salita ng Diyos, ang halimbawa ni Kristo at pagtulad kay Hesukristo ay ating ginagawa. Tayo rin ay naglilingkod sa Simbahan at tumutulong sa ating parokya,” pagninilay ni Bishop Santos

Ipinaliwanag din ng Obispo ang kahulugan ng mga katagang ‘Sumalangit Nawa’ at ‘Rest in Peace’, na hindi lamang nagpapahayag ng pag-asang makamit ng mga yumao ang buhay na walang hanggan, kundi nagpapaalala rin sa mga naiwan na panatilihin ang pagkakaisa ng pamilya, pangalagaan ang mga pinaghirapan ng kanilang mga mahal sa buhay at isabuhay ang mga mabubuting halimbawang iniwan nila.

Binigyang-pugay rin ni Bishop Santos ang mga yumaong pari na nag-alay ng kanilang buhay sa pananalangin at paglilingkod sa Simbahan at sa mga mananampalataya dahil higit na magiging makabuluhan ang kanilang pamamahinga kung patuloy na isasabuhay ng mga naiwan ang kanilang mga pangaral at halimbawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 208,645 total reads

 208,645 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 235,931 total reads

 235,931 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 270,053 total reads

 270,053 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 326,456 total reads

 326,456 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top