Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411,197 total reads

Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na inflation na nagpapabagal sa takbo ng ekonomiya, nagpapataas sa halaga ng mga pangunahing bilihin, mababang pasahod, tumitinding banta ng El Nino phenomenon, kawalan ng trabaho, epekto ng patuloy na pagbagsak ng halaga ng Piso., at matindi, ang hindi masawatang katiwalian at korapsyon sa alinmang sangay ng pamahalaan.

Dahil sa kabiguan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang oil price shocks, 30-percent ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino ang pumapasan sa epekto ng 9.7-porsiyentong inflation rate na naitala noong nakaraang February 2026.

Kinastigo ng IBON foundation ang administrasyong Marcos sa hindi paggamit ng national emergency powers sa ilalim ng Executive Order No. 110 upang tugunan ang oil price shocks gayundin ang kapangyarihan na kontrolin ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa ilalim ng Section 8 ng Price Act o RA 7581.

Tinatayang 21.4-milyong mahihirap na Pilipino at lower-middle class na pamilya o 96-milyong Pilipino ang matinding tinamaan ng epekto ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis. Ang sagot ng administrasyon., one-time assistance sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods,Industry,Food and Transport o UPLIFT na nagkakahalaga lamang 1,500-pesos hanggang 5,000-piso sa kabuuang 2.7-milyong benepisaryo. Isa itong malabnaw na tugon sa problema?

Walang sariling pananagutan… Mismong ang PBBM ang nagbunyag ng talamak sa sariling pamamahala, nagsimula ito sa multi-bilyong pisong flood control projects scam na umabot sa pagkakabunyag kung paano inililihis ang badyet tungo sa pangungurakot at pork barrel na mismong pinirmahan ng pangulo. Hindi pa nahuhuli at pinapanagot ang sinasabing pangunahing operator na sina Zaldy Co at dating house speaker Martin Romualdez. Sa 200 na kongresistang nakakuha ng pondo sa flood control projects ay tatlo lamang ang nakasuhan., sa mga Senador, dalawa lamang ang nakasuhan at nakulong. Isa lamang sa gabinete ng pangulo ang nakulong sa sistematikong katiwalian. Anong nangyari Kapanalig? Bakit?

Ang nangyayari, walang pagsisisi, walang pagwawastong ginawa at wala ding paliwanag. Tahimik ang administrasyong Marcos kung paano idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang 2024, 2025 at 2026 national budget na punong-puno ng pondo para sa korapsyon, pork barrel at paghahanda para sa eleksyong 2028?

Dahil walang pananagutan, walang pagsisisi, walang napaparusahan… tuloy ang walang kabusugan sa pera ng taumbayan ang Kongreso. Nabunyag na mahigit sa isang (1) trilyong piso ang ginawang budget insertions ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang 2.7-trilyong pisong national budget para sa taong 2027. Ang nakakagalit Kapanalig, kahit idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional na itaas ang pondo sa orihinal na kahilingan ng Office of the President sa para sa 2027., ipinagtanggol pa ng tanggapan ng pangulo ang bloated na 2027 national budget. Anong klaseng lider ng bansa ang pangulong Marcos Jr.?

Kapanalig, ang hindi maikubling krisis at problema ng bansa.., ay ang liderato! Ang problema natin., ang lider na umiiwas sa pananagutan.

Kapanalig, iginigiit ng Matthew 20:25-28, “Jesus instructs His disciples that whoever wants to become great must be a servant”.

Kailan kaya maisasabuhay ng ating mga lider ang sinasabi ng Mark 10:43-45– “Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant, and whoever wants to be first must be slave of all. For even the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,101 total reads

 21,101 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,213 total reads

 45,213 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 115,748 total reads

 115,748 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,258 total reads

 202,258 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,286 total reads

 245,286 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 293,215 total reads

 293,215 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,214 total reads

 45,214 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 115,749 total reads

 115,749 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,259 total reads

 202,259 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,287 total reads

 245,287 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top