Paglapastangan sa mga namatay, pinuna ng opisyal ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,126 total reads

Pinuna ng isang opisyal ng Simbahan ang paglapastangan sa mga namatay.

Tinawag ni Rev.Father Nicanor Lalog II, Sick and Elderly Priests at Chaplain ng Our Lady of Fatima (OLFU) na isang “blasphemy” sa mga namatay ang pag-uwi sa bahay ng mga sinaabong labi ng yumao ng kanilang mahal sa buhay.

Itinuring rin ni Father Lalog na paglapastangan ang paglalagay ng abo (cremated remains) sa mga kuwintas at alahas bilang remembrance ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

Binigyang-diin ng Pari na ang kalokohang ito ay taliwas sa turo ng simbahang katolika na isang gawaing pagano.

Ipinaalala ni Father Lalog na kung tunay nating minamahal ang mga yumao natin sa buhay ay ilagak sila sa takdang mga libingan tulad ng sementaryo at kolumbaryo upang mapangalagaan ang kanilang labi at maipagdasal.

Ibinahagi ng opisyal ng Simbahan ang isang instruction ng Offices of the Congregation for the Doctrine of the Faith na hindi pinapayagang itago sa tahanan ang na-cremate na labi ng mahal sa buhay.
Ayon sa pari, hindi rin tama na pagparte-partehan ng mga naulila kahit katiting ng sinaabong labi ng kanilang yumao.

Ikinalulungkot din ng Pari na maraming mga pari na sa halip na ituro ang tama ay sila pa ang nagkukunsinti sa kamalian at kapalastangang sa pagbasbas sa mga kuwintas na mayroong sinaabong labi ng mga yumao.

Kaugnay nito, nanawagan si Father Lalog na pagbawalan ang mga punerarya sa pag-alok sa mga namatayan ng mga sinaabong labi na nilalagay sa mga kuwintas na kanila pang ibinibenta.

Tinukoy din ng Pari na mahigpit na ipinagbabawal ng Simbahan ang pagsasaboy ng mga sinaabong labi sa himpapawirin at karagatan na walang puwang sa pananampalatayang katoliko.

Nanawagan si Fr.Lalog sa mga mananampalataya na mayroon pang sinaabong labi ng mahal sa buhay sa bahay ay ilagak ito sa mga sementeryo at kolumbaryo upang maging makabuluhan at banal ang pagdiriwang ng All Saints at All Souls day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 2,611 total reads

 2,611 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 44,581 total reads

 44,581 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 78,708 total reads

 78,708 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 135,114 total reads

 135,114 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top