Anti-Manggagawa na kontrata, kinundena ng ACE-UP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,419 total reads

Kinundena ng Alliance of Contractual Employees in UP ang pamunuan ng University of the Philippines-Diliman sa bagong “anti-manggagawa” na kontrata.

Bilang pagtutol, nagsagawa ng kilos-protesta sa Quezon Hall ng UP sa Diliman, Quezon City ang ACE-UP, at pinunit ng mga kawaning kontraktwal at mga kaalyadong organisasyon ang itinuturing nilang anti-manggagawa na kontrata.

Iginiit ng ACE-UP na ang bagong kontrata ay naglalaman ng mga arbitraryo at makaisang-panig sa interes ng UP na lumalabag sa batayang karapatan ng mga kawaning kontraktwal.

Binigyan-diin ng ACE-UP na hindi makatao ang kontrata, walang proteksyon sa kanilang karapatan at walang kaakibat na benepisyo.

Nanawagan ang grupo kay pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa pamunuan ng UP na ibasura ang hindi makataong kontrata, wakasan na ang kontraktwalisasyon at buuin TWG on contractualization.

Kinuwestiyon ng ACE-UP ang OVPA Memorandum No. ACR 26-100 na epektibo mula JULY 01, 2026 hanggang DECEMBER 31, 2026 para sa mga kawaning COS kung saan ang kontrata na dating 3-pages ay naging 19-pages na walang konsultasyon at panahon na aralin ng mga apektadong manggagawa.

Tinuligsa din ng grupo ang mabilisan at puwersahang pagpapatupad ng hindi makataong kontrata ngUP-Accounting Department sa pamamagitan ng announcement na “no contract, no start of work”.

Ayon sa ACE-UP, hindi consistent ang provision ng kontrata sa mga nilalaman ng annexes kung saan makakasahod lamang ang mga kawaning contraktwal kung “payment shall be subject to the satisfactory completion, submission, review and acceptance of required deliverables”.

Inihayag ng grupo ang malinaw na paulit-ulit na pang-aabuso at kawalan ng seguridad sa trabaho ang umiiral sa contractualization na mismong ang pamahalaan ang nagtataguyod.

Naninindigan ang ACE-UP na patuloy ang kanilang laban para sa regularisasyon at tuluyan ng alisin ng UP ang contractualization system.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 54,936 total reads

 54,936 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 77,496 total reads

 77,496 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 158,151 total reads

 158,151 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 259,878 total reads

 259,878 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 294,841 total reads

 294,841 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top