Pro Ecclesia et Pontifice Award, igagawad kay 2024 CMMA Serviem awardee

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,943 total views

Isang Filipina broadcast industry icon sa Pilipinas ang kauna-unahang recipient ng Papal honors o “Pro Ecclesia et Pontifice Award” ngayong 2026 sa ilalim ng papacy ni Pope Leo XIV.

Ang Pro Ecclesia et Pontifice(“For the Church and Pope”) ay pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Santo Papa sa mga clergy at layko sa natatanging paglilingkod para sa Simbahang Katolika.

Sa pamamagitan ng opisyal na decree ni Pope Leo XIV, igagawad kay 2024 CMMA serviem awardee Manuela Eudes Banez Kelly ang “Cross Pro Ecclesia et Pontifice”.

Ipagkakaloob kay “Maam Dessy” ang natatanging Papal honors sa pamamagitan ng Eucharistic celebration at conferral ng award na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula.

Gaganapin ang conferral of the award sa ika-26 ng Pebrero, 2026 ganap na alas-diyes (10:00am) sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila cathedral.

Sa kasalukuyan, si Maam Dessy ang Chairman at CEO ng Broadcast World Philippines at Allied Convergence Telecommunications Inc.

Bilang eksperto sa streaming media, mobile communications, radio frequency, pagtatayo at installations ng mga transmitter tower ay malaki ang kanyang naging sa paglago at pag-unlad ng broadcasting at telecommunications sector sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Broadcast World Philippines, marami ang naitayo at na-commissioned AM,FM radio stations at TV station sa buong bansa na karamihan ay istasyon ng Catholic Welfare Organization at Federation of Catholic Broadcasters na naging Catholic Bishops Conference of the Philippines at sa kasalukuyan ay Catholic Media Network o CMN.

Kabilang din sa mga commercial station na natulungan ng Broadcast World Philippines ang Radio Mindanao Network, University of Mindanao Network, Mareco Broadcasting, FBS Radio,Filipinas Broadcasting, RGMA, GMA network, ABS-CBN, Prime Broadcasting, Raja Broadcasting, Far East Broadcasting Bureau of Broadcast,Eagle Broadcasting UHF stations at tower.

Sa tulong ni Maam Kelly, nakakuha ang Radio Veritas Global Broadcasting (DZRV) ng station franchise/RSL permit sa National Telecommunication Commission (NTC) kasama ang Word Broadcasting, Mountain Province Broadcasting,Radio Caritas Naga,Notre Dame Broadcasting at Sulu Tawi-Tawi Broadcasting.

Misyon ni Maam Kelly na tuparin ang naging pangako sa namayapang Rev. Fr. James B.Reuter na palaganapin ang Catholic Media sa buong Pilipinas at maging kilala sa buong mundo ang TV Maria at Radyo Veritas upang lalong mapalaganap ang mabuting balita at pananampalataya ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 9,606 total views

 9,606 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 32,766 total views

 32,765 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 54,040 total views

 54,040 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 226,060 total views

 226,060 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 22,679 total views

 22,679 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »
Scroll to Top