Harapin ang kasalanan at pagkukulang sa lipunan, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,586 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mga mananampalataya na harapin hindi lamang ang personal na kasalanan kundi maging ang pagkukulang ng lipunan sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Sa kanyang homiliya ngayong Miyerkules ng Abo sa misang ginanap sa Arzobispado chapel na dinaluhan ng mga kawani ng RCAM, binigyang-diin ng kardinal na ang tanda ng abo sa noo ay paanyaya sa tapat na pagsusuri ng sarili at ng sambayanan.

“We confess that we are sinners, not only as individuals, but also as a people. We dare to face the corruption, injustice, and compromises that afflict our nation and become aware of our own participation in them, whether by action, silence, or indifference,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, ang mga abo na inilalagay sa noo ng bawat mananampalataya ay tanda ng paghilom at pagbabalik loob.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ang abo ay naghahayag ng katotohanan tungkol sa tao kabilang na ang kahinaan, pagiging makasalanan, at pagiging panandalian ng buhay.

“God does not ask us to wear ashes to shame us, but to heal us… Ashes tell the truth about us. They strip away the illusions and hallucinations that we often have about ourselves,” dagdag pa ng kardinal.

Binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pagiging totoo sa harap ng Diyos, lalo na sa gitna ng kulturang nakatuon sa panlabas na anyo at pagpapakitang-tao.

Sa pagninilay ng kardinal, ang Kuwaresma ay hindi panahon ng pagpaparusa sa sarili kundi paghahanda ng puso para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

“The ashes on our foreheads are not a mark of despair, but of hope,” ayon sa arsobispo.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na huwag magmadaling punasan ang abo sa noo, bagkus hayaang magsilbing paalala ng pag-ibig at awa ng Diyos.

Sa pagsisimula ng 40 araw na paglalakbay ng Kuwaresma, paalala ng arsobispo na ang tunay na pagbabalik-loob ay hindi lamang panlabas na pagsunod sa mga debosyon kundi isang “journey of the heart” tungo sa mas malalim na pakikipag-isa kay Kristo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,117 total reads

 15,117 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,086 total reads

 16,086 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 32,271 total reads

 32,271 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,648 total reads

 69,648 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,917 total reads

 100,917 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 176,102 total reads

 176,102 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,774 total reads

 268,774 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,118 total reads

 15,118 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top