Pag-aaral ng teolohiya, dapat nakaugat sa tunay na buhay ng mga tao-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,391 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, OP, ang Simbahang Katolika na tiyaking nananatiling nakaugat sa tunay na buhay ng mga tao ang pag-aaral ng teolohiya, sa halip na malimitahan lamang sa mga aklat, silid-aralan at mga talakayang akademiko.

Binigyang-diin ng kardinal na kailangang pakinggan ng Simbahan ang mga karanasan, hinaing, at pag-asa ng mga dukha, migrante, kabataan, pamilya, at iba pang sektor na madalas na naisasantabi at hindi napakikinggan.

“A theology that is truly sacred must therefore also be a theology that listens,” ayon kay Cardinal Advincula sa kanyang acceptance speech matapos igawad sa kanya ang Doctor of Theology honoris causa ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas (UST) sa Maynila nitong October 15.

Ayon sa kardinal, hindi dapat mahiwalay ang teolohiya sa mga konkretong realidad na kinakaharap ng mga tao, kabilang ang pagdurusa, paghahanap ng kahulugan sa buhay at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.

Iginiit ng kardinal na mahalagang bahagi ng synodal journey ng Simbahan ang pakikinig sa mga mananampalataya at sa mga taong nahihirapang maniwala o nakararamdam na hindi na nakatutugon ang Simbahan sa kanilang mga katanungan.

“For a Church that is synodal, this listening is not optional. It is part of the very way the Church journeys together,” ani Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ng arsobispo ng Maynila na bago magturo, mangaral, o mamuno ang mga pastol ng Simbahan, kailangang matutong makinig sa Diyos, sa Simbahan, at sa mga taong ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga, lalo na sa mga walang tinig sa lipunan.

“A pastor is expected to teach, to preach, to make decisions, to give direction, and to lead. But before all of this, he must learn to listen,” aniya.
Paliwanag ni Cardinal Advincula na ang tunay na teolohiya ay hindi lamang tungkol sa pagpapaliwanag ng pananampalataya kundi sa pag-unawa rin sa mga tanong at karanasan ng mga taong pinaglilingkuran ng Simbahan.

Kabilang sa mga usaping dapat pagnilayan ng teolohiya ang dignidad ng tao sa gitna ng mga hamon sa paggawa, ang kalayaan sa panahon ng artificial intelligence, ang pakikiisa sa milyun-milyong lumikas dahil sa digmaan, kahirapan at climate change, at ang pag-asa ng mga nawalan.

Ayon sa kardinal, hindi nangangahulugan ang pakikinig ng pagtalikod sa katotohanan, kundi ng mapagpakumbabang paghahanap dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba’t ibang pananaw at karanasan.

“To listen is not to abandon the truth, but to search for it with humility,” aniya.

Samantala, sa kanyang mensahe sa seremonya, sinabi ni UST Rector Fr. Richard Ang, O.P., na ang episcopal motto ni Cardinal Advincula na “Audiam,” na nangangahulugang “I will listen,” ay sumasalamin sa kanyang paraan ng pamumuno bilang isang pastol.

“In an age of noise, there is something deeply moving about this quiet and simple man. His episcopal motto gives us the key to understanding this: Audiam, I will listen,” ani Fr. Ang.

Ayon sa rektor, hindi lamang akademikong pagkilala ang paggawad sa kardinal ng honorary doctorate kundi pagkilala rin sa kanyang paglilingkod sa Simbahan at sa paggamit ng kaalamang teolohikal para sa kapakanan ng mga tao.

Nagtapos si Cardinal Advincula ng Bachelor of Sacred Theology sa UST noong 1975. Sa kanyang talumpati, sinabi niyang ang pagkilalang natanggap niya ay nagbabalik sa kanya sa unibersidad na naging bahagi ng kanyang paghubog bilang pari.

Ipinagdiwang ng kardinal ngayong taon ang ika-50 anibersaryo ng kanyang pagkapari at ika-25 anibersaryo ng kanyang pagiging obispo.

Gayunpaman, sa kabila ng mahabang panahon ng pagiging pastol, aminado ang kardinal na marami pa itong dapat matutuhan sa pamamagitan ng patuloy na pakikinig sa mga nasasakupan.

“After 50 years in the priesthood, I still have so much to learn. After 25 years as a bishop, I still have much to listen to,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Kabilang sa mga ginawaran ng kaparehong pagkilala sina Rev. Eugene McGuinnes (1927), Cardinal Ildebrando Antoniutti (1965), Cardinal Jaime Sin (1977), Cardinal José Sánchez, Cardinal Ricardo Vidal (1985), Chiara Lubich (1997), at Cardinal Alfonso Trujillo (2009).

Dumalo sa conferment ceremony ang mga kinatawan ng Dominican Philippine Province, sa pangunguna ng kanilang provincial superior, Fr. Filemon dela Cruz, mga miyembro ng academe, mga pari, at seminarista ng Archdiocese of Manila at UST Central Seminary.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 57,920 total reads

 57,920 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 94,133 total reads

 94,133 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 129,432 total reads

 129,432 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 355,703 total reads

 355,703 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 245,891 total reads

 245,891 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top