Paglalagay ng tangke ng tubig sa bawat bahay, iminungkahi Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,099 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang pamahalaan at mga kinauukulang ahensya na magsagawa ng seryosong paghahanda upang matugunan ang posibleng krisis sa tubig at iba pang epekto ng matinding init na dulot ng pinangangambahang Super El Niño.

Ayon sa arsobispo, hindi dapat hintayin pang maranasan ng bansa ang matinding init at malawakang kakulangan sa suplay ng tubig bago kumilos ang pamahalaan.

“The preparation should happen now. We should not wait until it becomes extremely hot or there is a serious water shortage. Preparation should start now,” pahayag ni Archbishop Uy Radyo Veritas.

Hinikayat din ng arsobispo ang mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensya na tiyaking handa ang kanilang mga pasilidad at mekanismo sa pagtugon sa anumang emergency na maaaring idulot ng matinding kondisyon ng panahon.

Iginiit ni Archbishop Uy na hindi lamang ang pamahalaan ang dapat maghanda, kundi ang bawat mamamayan sa pamamagitan ng wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.

“We have to conserve water, not only now but for the long term, because water supply is becoming too scarce. There is already too little water available for us to waste,” ani Archbishop Uy.

Iminungkahi rin ng arsobispo ang paglalagay ng mga tangke ng tubig sa mga tahanan upang magkaroon ng sapat na reserba sakaling lumala ang kakulangan sa suplay.

Bukod sa mga kabahayan, binigyang-pansin din ni Archbishop Uy ang kalagayan ng mga magsasaka na kabilang sa mga sektor na higit na maaapektuhan ng matinding init.

Hinimok niya ang Department of Agriculture na paigtingin ang paggabay at pagtuturo sa mga magsasaka tungkol sa mga angkop na pananim sa kasalukuyang kondisyon ng panahon upang maiwasan ang pagkalugi at pagkasira ng kanilang mga pananim.

“Farmers should not simply plant whatever crops they choose. They could lose their investments and their crops might not produce a harvest. They need to be properly guided on what crops are suitable for planting during this period,” paliwanag ng arsobispo.

Iminungkahi rin niyang tulungan ang mga magsasakang hindi makapagtanim sa kasalukuyang kondisyon na makahanap ng pansamantalang alternatibong pagkakakitaan.

Samantala, hinimok ni Archbishop Uy ang mga pari at parokya na iakma ang kanilang mga gawain upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mananampalataya.

Kabilang dito ang pag-iwas sa mga gawaing panlabas, partikular mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, kung kailan inaasahang pinakamainit ang panahon, upang hindi malantad sa matinding init ang mga matatanda, bata, at mga may karamdaman.

Iginiit ng arsobispo na nangangailangan ang kasalukuyang sitwasyon ng sama-samang pagkilos, disiplina at pangmatagalang pagbabago sa pamumuhay upang mapangalagaan ang mga likas na yaman.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang tunay na ecological conversion ay hindi lamang nakatuon sa pagtatanim ng mga puno, kundi nangangailangan din ng pagbabago sa pag-iisip, puso, at pamumuhay ng bawat isa.

“Ecological conversion does not end with tree planting. It involves the conversion of the minds, hearts, and lifestyles of the people,” ani Uy.

Kabilang sa mga dapat baguhin, ayon sa arsobispo, ang labis na pagkonsumo, paggamit ng single-use plastics, at mga gawaing sumisira sa kalikasan tulad ng illegal fishing, illegal logging, at illegal quarrying.

Ayon sa PAGASA, inaasahan ang very strong El Niño sa mga huling bahagi ng taon hanggang sa kalahating taon ng 2027, kung saan maaaring umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index na kabilang sa danger-level heat index range.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 4,978 total reads

 4,978 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 106,244 total reads

 106,244 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 176,421 total reads

 176,421 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 262,916 total reads

 262,916 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 305,657 total reads

 305,657 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top