Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,678 total reads

Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr., dito nagpalakpakan ang mga Senador, kongresista, mga opisyal ng pamahalaan, mga dignitaries sa umalingawngaw na pahayag ng pangulo na “MAHIYA NAMAN KAYO”.

Dito ibinunyag ng pangulong Marcos ang multi-bilyong pisong flood control projects scam na kinasasangkutan ng mga Senador, kongresista, mga opisyal ng DPWH, COA, DBM at mga ganid na kontraktor. Sa imbestigasyon umaabot sa 180-bilyong piso o 3-bilyong dolyar na tax payer’s money ang nawala sa sinasabing 673 “ghost” flood control projects mula 2016 to 2025. Nagawa ang laganap na pagnanakaw na ito sa kaban ng bayan dahil sa ginawang kalokohan o budget insertions ng mga mambabatas sa pambansang badyet.

Kapanalig, mula 2016 hanggang sa kasalukuyan taong 2026 nakakalula ang perang nalustay at napunta sa bulsa ng mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas, mga kasabwat na kontraktor, maging ang Office of the President. Sa lahat ng ito, ang pinaka-sentro, ang nagplano, ang nag-implementa ay ang pinakatiwalang ahensiya ng pamahalaan…. Ang DPWH… ang nakakadismaya lamang, ang pinaka-corrupt na tanggapan ng pamahalaan ay patuloy na pa ring pinagkakatiwalaan sa mga proyekto. Ang nasisibak lamang ay mga pinuno, ang mga piranha sa ilalim ng liderato ay patuloy sa walang sawang pagsipsip sa pera ng taumbayan. Napapanahon na kayang buwagin ang DPWH? Papayag kaya ang mga Senador at Kongresista? Nalalapit na naman ang eleksyon!

Mula’t-sapul, hindi na naging tama ang DPWH, tanggapan ito ng mga LINTA.

Wala na atang matino pa sa DPWH? Hindi pa napaparusahan ang mga nasa likod ng “ghost flood control projects”., Sabit na naman ang ahensiya ng mga LINTA, sa audit ng Commission on Audit, 300-infrastructure porjects sa buong bansa na nagkakahalaga ng 17.3-bilyong piso ay kitang-kita ang depekto.

Kapanalig, tandan niyo ang mga lugar ng proyekto, sa 2025 audit report ng COA., 71-projects na nagkakahalaga ng 4.33-bilyong piso ay sa unang Distrito ng Leyte. Ang mga proyekto ay mga cracks, kulang sa sealant at construction joints, corrosion ng railings, maling paglalagay ng drainage at solar lights pole.

Ganito ang nangyari sa 17-proyekto na nagkakahalaga ng 3.62-bilyong piso sa Eastern Visayas. Sa Tacloban city, 58-projects ay mga depektibo. 141 projects naman sa Northern Mindanao., 108 sa Surigao del Norte ay kitang-kita ang kakulangan.

Sa nakalipas na Setyembre 2026, natuklasan ng Senate Finance committee na 62 percent o 7,107 ng kabuuang 11,395 infrastructure projects sa inaprubahang 7.2-bilyong pisong 2027 national budget ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Akalain mo Kapanalig, ang nasabing mga proyekto ay kulang sa station numbers, overlapping o fragmented projects at hindi tugmang type of works. Kapag nakalusot ito sa 2027 budget, ang DPWH na naman ang implementor., kaliwa’t-kanan na naman ang partehan.
Kapanalig, kailan kaya tatalab sa budhi ng mga opisyal ng bayan ang pagbabagong-loob?

Sinasabi ng Chronicle 7:14- “If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then I will hear from heaven, and I will forgive their sin and will heal their land.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 47,679 total reads

 47,679 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 134,179 total reads

 134,179 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 177,216 total reads

 177,216 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,974 total reads

 226,974 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,063 total reads

 386,063 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 134,180 total reads

 134,180 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 177,217 total reads

 177,217 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,975 total reads

 226,975 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,064 total reads

 386,064 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top