Diocese of Borongan, nanawagan ng panalangin para sa bagong Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,764 total reads

Hinimok ng Diocese of Borongan ang mga pari, relihiyosong komunidad at mga mananampalataya na magkaisa sa panalangin para sa paghirang ng bagong Obispo na mangunguna at gagabay sa lokal na Simbahan habang nananatili itong walang Obispo o nasa panahong sede vacante.

Sa isang pastoral na panawagan, hinikayat ni Rev. Fr. Jan Michael J. Gadicho, Diocesan Administrator ng Diocese of Borongan, ang lahat ng parokya, formation houses at mga pamayanang Katoliko na patuloy na manalangin upang pagkalooban ang diyosesis ng isang karapat-dapat na pastol.

“I strongly encourage all parishes, religious communities, houses of formation, and Catholic faithful across the Diocese of Borongan to join in spiritual solidarity as we persistently beg the Heavenly Father to send us a worthy shepherd to lead our diocese,” bahagi ng panawagan ni Fr. Gadicho.

Bilang bahagi ng panawagang ito, hiniling ni Fr. Gadicho na simulan sa Nobyembre 8, 2026, ang pagdarasal ng “Prayer for a New Bishop” o “Pag-ampo Para Hin Bag-o Nga Obispo” sa lahat ng simbahan at kapilya bago ang pangwakas na pagbabasbas sa bawat Misa tuwing Linggo.

Maaaring pangunahan ang panalangin ng pari, lector o commentator at maaari itong bigkasin sa wikang Ingles o Binisaya (Waray-Waray).

Sa hiwalay na bahagi ng kanyang panawagan, partikular na hiniling ng Diocesan Administrator ang aktibong pakikiisa ng buong diyosesis sa nasabing panalangin.

Matatandaang, itinalaga ng Santo Papa si Bishop Crispin Varquez sa Diocese ng Tagbilaran, matapos maglingkod sa Borongan sa loob ng 19 na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 59,609 total reads

 59,609 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 142,635 total reads

 142,635 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 236,967 total reads

 236,967 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 298,652 total reads

 298,652 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 341,634 total reads

 341,634 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top