IBON Foundation, kinuwestiyon ang ₱96 poverty threshold

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,810 total reads

Kinuwestiyon ng IBON Foundation ang itinakdang ₱96 kada araw na poverty threshold, at iginiit na malayo ito sa aktuwal na halaga ng mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni IBON Foundation Spokesperson Casey Salamanca na hindi makatotohanan ang naturang halaga bilang batayan ng kahirapan dahil nakabatay ito sa pinakamurang presyo ng pagkain at tinatayang gastusin para sa iba pang pangangailangan.

“Kulang na kulang po talaga at parang hindi po talaga natin maisip kung saang daigdig, kung saang planeta po talaga puwede itong 96 pesos per day,” bahagi ng pahayag ni Salamanca sa Radyo Veritas.

Paliwanag niya, bagama’t may batayang minimum energy requirement ang pamahalaan sa pagkukuwenta ng poverty threshold, kuwestiyonable naman ang presyong ginagamit dahil hindi ito tumutugma sa aktuwal na karanasan ng mga mamimili.

“Ang problem po, ‘yung pricing na pinagbabasehan, malayo po sa karanasan ng marami sa ating mga kababayan, so malayo po doon sa talagang nararanasan natin sa araw-araw,” dagdag pa ni Salamanca.

Batay sa pagtataya ng IBON Foundation, umaabot sa ₱1,390 kada araw ang family living wage o sahod na kailangan ng pamilyang may limang miyembro upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at magkaroon ng marangal na pamumuhay.

Kabilang dito ang sapat na pagkain, edukasyon ng mga bata at pamasahe papunta sa trabaho.

Malaki ang agwat nito sa tinatayang pambansang average minimum wage na ₱520 kada araw.

Ayon kay Salamanca, hindi rin sapat ang karaniwang sahod upang matugunan ang poverty threshold na ₱14,634 kada buwan para sa pamilyang may limang miyembro.

“Hindi rin po rason ‘yan na dapat dalawa kayong magtrabaho. Hindi po eh. Ang main issue po talaga natin dito, bakit ang baba ng standard natin para bilangin kung sino talaga ‘yung mahirap?” ayon pa kay Salamanca.

Sa pananaw ng Simbahan, mahalagang matiyak ang makatarungang sahod at mga patakarang isinasaalang-alang ang tunay na pangangailangan ng bawat pamilya.

Bahagi ito ng pagtataguyod sa dignidad ng tao, dahil dapat magkaroon ang bawat manggagawa ng sapat na kita upang masuportahan ang pamilya at mamuhay nang marangal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 84,419 total reads

 84,419 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 129,988 total reads

 129,988 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 179,741 total reads

 179,741 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 338,941 total reads

 338,941 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 362,133 total reads

 362,133 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 44,435 total reads

 44,435 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top