2,158 total reads
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil V. Zalameda bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano, hahalili si Zalameda kay Chief Justice Alexander Gesmundo na magreretiro bukas, Nobyembre 6.
Si Zalameda ay mahigit tatlong dekada nang naglilingkod sa sangay ng hudikatura. Naging opisyal ng korte at piskal bago nagsilbi bilang mahistrado ng Court of Appeals.
Taong 2019 nang itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang associate justice ng Korte Suprema, kahalili ng nagretirong si Justice Mariano Del Castillo.
Ayon kay Cayetano, kinilala ng Pangulo ang malawak na karanasan ni Zalameda sa iba’t ibang antas ng hudikatura at ang kahalagahan ng matatag na pamumuno upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng katarungan.
Inaasahan ng Pangulo na gagampanan ni Zalameda ang tungkulin bilang punong mahistrado nang may integridad, pagiging patas at matibay na paninindigan sa batas.
Nagpasalamat din ang Malacañang kay Gesmundo sa kanyang paglilingkod sa hudikatura at sa bansa.




