4,255 total reads
Humiling ng panalangin si Pope Leo XIV sa mga mananampalataya na ipagdasal ang kanyang nalalapit na pagbisita sa Uruguay, Argentina at Peru upang maging matagumpay ang kanyang misyon sa mga bansang ito.
Sa kanyang General Audience nitong Miyerkules, sinabi ng Santo Papa na umaasa siyang mapatatatag ng paglalakbay ang pananampalataya, mapanibago ang pag-asa at mahikayat ang mas maraming tao na ipalaganap ang Mabuting Balita.
“The day after tomorrow, I will begin my Apostolic Journey to Uruguay, Argentina, and Peru. I ask you to accompany me with your prayers, that the Lord may bless this mission in these countries, which are so dear to me,” ayon sa Santo Papa.
Magsisimula ang apostolic journey ni Pope Leo simula Nov. 6 hanggang Nov. 17.
Bago nito, binanggit din ng Santo Papa ang nalalapit na beatipikasyon ng ilang martir at lingkod ng Simbahan sa Guatemala at Spain.
Kabilang dito si Padre Augusto Rafael Ramírez Monasterio, isang paring Pransiskano na pinaslang noong 1983 dahil sa kanyang pananampalataya.
Sa Spain naman, itataas sa antas ng mga Blessed ang paring si Francesco González de Córdova at 79 niyang kasamahan, kabilang ang mga pari, seminarista at layko na pinatay dahil sa kanilang pagmamahal kay Kristo noong panahon ng pag-uusig sa mga Katoliko.
Hinikayat din ni Pope Leo ang mga mananampalataya na tularan si San Charles Borromeo, na nakilala sa kanyang matinding pagmamahal sa Diyos at paglilingkod bilang obispo.




