Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 293,055 total reads

Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar!

May epekto sa halaga ng piso ang mga pangyayari sa ibang parte ng mundo, partikular ang digmaan sa Middle East. Iniuugnay ng mga ekonomista ang paghina ng piso sa pagtaas ng presyo ng langis dahil sa digmaan. 

Ramdam ng karaniwang tao ang epekto ng mahinang piso sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin. Dahil nag-i-import ng enerhiya ang Pilipinas, mas maraming dolyar ang kailangan para bayaran ang mga ito. Kapag mahal ang langis at iba pang ginagamit sa paglikha ng kuryente bunsod ng mahinang piso, tataas din ang presyo ng kuryenteng kinokonsumo natin. Damay din dito ang sektor ng pampublikong transportasyon na labis pa ring nakasalalay sa gasolina at diesel. Malamang na humirit ulit ng taas-pamasahe ang mga tsuper.

Apektado rin ang presyo ng mga lokal na produktong agrikultural. Dahil mas mahal ang pagkain at krudong ginagamit sa pag-aalaga ng mga hayop, tumataas din ang gastos sa pagpapalaki ng baboy at manok, na maaaring magpamahal sa karne. Ganoon din sa bigas at gulay dahil mas mahal ang pataba at krudong kailangan ng mga magsasaka sa pagtatanim, pag-aani, at pagdadala ng mga produkto sa pamilihan

Mas malaki na rin ang kailangang ilabas na pera ng gobyerno para mabayaran ang mga utang nito sa ibang bansa. Dahil nakatakda sa dolyar ang mga utang na ito, mas maraming piso ang kailangan para mabayaran ang parehong halaga. Dahil dito, maaaring lumiit ang pondong nakalaan para sa imprastraktura, mga serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon, at iba pang kailangan ng mga mamamayan.

Totoo, may ilang nakikinabang sa mahinang piso. Halimbawa, mas maraming piso ang natatanggap ng mga pamilyang may kamag-anak na nagpapadala ng dolyar mula sa ibang bansa. Pero nababalewala rin ito kapag tumataas ang presyo ng pagkain, upa, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa gitna nito, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos: “Do not take it with alarm. Don’t panic.”

Paano kaya sasabihin ni PBBM sa isang magsasaka na huwag mag-alala kung hindi na niya kayang maghain ng sapat na pagkain sa sariling pamilya? Paano ang mga tsuper na hirap nang magpakarga ng krudo para sa kanilang jeepney? Paano ang mga minimum wage earners at mga nasa impormal na sektor na hindi na makasabay ang sahod at kita sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Madaling sabihing huwag mag-panic kapag hindi mo mismo nararanasan ang maghigpit ng sinturon.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang mahalagang papel ng Estado sa ekonomiya, kabilang ang pagpapanatili ng matatag na halaga ng salapi at maayos na serbisyong pampubliko. Itinuturo rin sa atin ng Simbahan na hindi natin maaaring ipagwalambahala ang kalagayan ng mahihirap. Sila ang higit na nahihirapan dahil hindi nakasasabay ang kanilang kita sa pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.

Hindi lamang numero sa palitan ng pera ang halaga ng piso. May direktang epekto ito sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Habang humihina ang piso at tumataas ang presyo ng mga bilihin, lalong nahihirapan ang maraming pamilya na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Mga Kapanalig, sa gitna ng mga hamong ito, ipanalangin natin ang ating mga pinuno upang manaig ang pagpapakumbaba at malasakit sa kapwa sa bawat desisyon nila. Ipanalangin din natin ang agarang pagtatapos ng digmaan at ang pagbabalik ng kapayapaan. Paalala sa atin ng Filipos 2:3-4 na dapat tayong magpakumbaba at ituring na higit na mahalaga ang kapwa kaysa sa ating sarili. Nawa’y manaig ang ganitong diwa ng paglilingkod sa ating mga pinuno, lalo na sa mga pasyang nakaaapekto sa buhay ng bawat Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,024 total reads

 21,024 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,038 total reads

 45,038 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 115,583 total reads

 115,583 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,093 total reads

 202,093 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,121 total reads

 245,121 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 293,056 total reads

 293,056 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,039 total reads

 45,039 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 115,584 total reads

 115,584 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,094 total reads

 202,094 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,122 total reads

 245,122 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top