Usapang cremation pa rin…

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,495 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-02 ng Nobyembre 2026
Photo by Brunxs on Pexels.com

Salamuch po sa mga bumisita at nagbasa ng ating blog ukol sa wastong pangangalaga ng mga sinaabong labi o cremated remains. Mayroong ilan ang tumuligsa sa ating isinulat na batay sa pinakahuling Instruction ng Vatican, ang Ad resurgendum cum Christo na nagbabawal sa pag-iingat sa bahay ng urn ng na-cremate na labi ng mahal sa buhay maging ang pagpaparte-parte kahit katiting ng mga sinaabong labi na kadalasan nilalagay sa mga kuwintas at alahas bilang remembrance.

Ipagpaumanhin po ninyo kung sakaling nasaktan inyong mga damdamin sa aking nalathala na pitak ngunit wala pong kinalaman sa usaping pananalapi ang mga alituntunin ng Simbahan na noon pa mang 1963 umiiral; kailan lamang nagkaroon ng mga kolumbaryo sa mga parokya. Karamihan sa mga kolumbaryo ay pinangangasiwaan ng mga pribadong kumpanya gaya ng mga funeral homes at memorial parks.

Sabi naman ng iba walang sinasabi sa Bibliya na bawal ilagak sa tahanan ang urn naglalaman ng sinaabong labi ng yumao. Ang ating pong tugon: e wala din naman po sinasabi ang Bibliya ukol sa cremation ng mga namatay bagaman mayroong isang pagkakataon mga labi ng namatay ay sinunog. Ito ay matapos na lapastanginin ng mga Filisteo mga labi ni Haring Saul at mga anak kaya binawi ng mga Israelita kanilang mga bangkay at sinunog upang ilibing mga abo bilang tanda ng kanilang pag-galang (1 Samuel 31:7-13).

Makikita natin sa buong bibliya na mula kina Abraham hanggang kay Jesu-Kristo, pawang silang lahat ay mga inilibing kaya naman ito pa rin ang higit na paraan pinipili ng Simbahan mula sinauna sa pangangalaga ng mga labi ng namatay bilang paghahanda sa Second Coming na kung saan ang mga labi ng mga namatay ay hahanguin muli upang isama sa kaluluwa at makamit ang glorified body tulad ni Jesus nang muling nabuhay. Ito pa rin ang dahilan kaya nang payagan ng Simbahan ang cremation pagkaraan ng Vatican II, tiniyak pa rin na mapangalagaan at nasa ligtas at naaayong lunan mga labi ng mga yumao.

Larawan kuha ng may-akda isa sa mga pinakamatandang sementeryo sa labas ng Jerusalem; masdan mga nitso nakaturo ang mga paanan nito sa silangang bahagi ng lungsod kung saan nila inaasahan magdaraan ang Mesiyas kapag dumating kaya kapag iyon ay nangyari, lahat ng mga namatay ay babangon nakaharap doon upang salubungin siya.

Ngunit higit na dahilan sa pagtitiyak na nasa maayos, marangal at nararapat na libingan ang labi ng ating mga yumao ay bahagi ng katuruan ng Simbahan na batay pa rin sa Banal na Kasulatan – ang pagpapahalaga sa dangal ng bawat tao kahit namatay na bilang larawan at wangis ng Diyos.

Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Ang inyong katawan ay hindi talagang inyo kundi sa Diyos (1 Corinto 6:19).

Maliwanag ang Banal na Kasulatan, mga ginigiliw ko: sa buhay na ito hanggang kamatayan, wala tayong masasabing atin sapagkat ang lahat ay sa Diyos. Mainam basahin din natin nauunang talata ng ating sitas kung saan ipinanangaral ni San Pablo kabanalan ng ating katawan kaya dapat panatilihin itong malinis mula sa kasamaan at kasalanan. At ito ay kahit namatay na.

At dito ating makikita ang malungkot na umiiral sa makabagong panahon na marami sa atin sa ngayon pakiwari sa sarili ay buo niyang pag-aari, na tila walang pakialam sino man sa ibig niyang gawin sa kanyang sariling katawan.

Larawan kuha ng may-akda, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Gardens, Tagaytay City, 07 Oktubre 2026.

Katawan ko pag-aari ko ang tila slogan ng karamihan ngayon kaya kung ayaw magbuntis, ipapalaglag sanggol sa sinapupunan. Ito rin dahilan sa sobrang pagbatak – stretching – ng ating mga karapatan kung kayat pati na rin sa pag-iiba ng ari at kasarian (sex change), ang nauusong test tube baby o in-vitro fertilization na pawang hindi pinahihintulutan ng Simbahan sapagkat labag mga ito sa dangal ng buhay. Ang malungkot kasi sa panahon ngayon, puro tayo karapatan na tila pag-aari natin ang lahat – hindi lamang ating sariling buhay kungdi maging buhay ng iba gaya ng sanggol sa sinapupunan ng isang ina o mga pumanaw na. Sa bawat karapatan ay mayroon ding katapat na tungkulin at pananagutan sa iba.

Sinasabi ng mga dalubhasa na mayroong dalawang palatandaan ng mataas na antas ng kalinangan ano mang lipi ng mga tao na kanilang napag-aralan: una anila ay kapag ang mga buto ng mga yumao ay mayroong tanda ng panggagamot at ikalawa ay kapag inililibing ang mga yumao.

Ayon sa kanila, nagpapahayag ang dalawang palatandaang ito ng pangangalaga sa kapwa tulad ng panggagamot sa nagkakasakit o naaksidente at higit sa lahat, kahit namatay na, iniingatan pa rin kanilang mga labi. Palatandaan anila ang mga ito ng tunay na pagmamalasakit sa kapwa na nagpapatunay ang tao ay social being, hindi nag-iisa at palaging mayroong kapwa. No man is an island wika nga dahil tayong lahat ay magkakarugtong sa buhay maging sa kamatayan na ang kaganapan ating inaasam ay magaganap sa buhay na walang hanggan kapiling ang Diyos.

Kaya kung paano natin pinahahalagahan ating mga yumao ay nagsasalamin ng ating patuloy na pagpapahalaga sa kanila, sa pagkilala sa kanilang sariling katauhan na maging mapayapa at malaya sa buhay na walang hanggan. Sadyang masakit ang mamatayan ng mahal sa buhay ngunit alalahanin nating ang usapin ay hindin lamang may kinalaman sa ating nagdadalamhati at nasaktan kungdi higit sa lahat doon mismo sa namatay. Ibigay natin nauukol sa paggalang sa kanilang naiwang labi na sinaad ng mga titik na “R.I.P.” mula sa mga katagang Latin na Requiescat In Pace o Rest in Peace sa Inggles habang sa Filipino ay mas malalim ang salin na isang panalangin din, Sumalangit nawa (SLN) kanilang kaluluwa. Amen. Isang mapayapang Araw ng mga Yumao.

*Salamuch kay Ginoong Paterno Esmaquel II ng The Religion Reporter na nag-interview sa atin noong Sabado upang maipaliwanag ilang mga bagay-bagay sa cremation. Narito po ating panayam mula sa YouTube.com.

Mula sa YouTube.com.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 61,303 total reads

 61,303 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 144,329 total reads

 144,329 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 238,661 total reads

 238,661 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 300,346 total reads

 300,346 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 343,254 total reads

 343,254 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Discerning the present moment

 4,075 total reads

 4,075 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Thirty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 13 November

Read More »

Refresh my heart, Jesus

 4,738 total reads

 4,738 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Thirty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 12 November

Read More »

Aral ng kapa ni San Martin ng Tours

 24,038 total reads

 24,038 total reads Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Nobyembre 2026 Ang aming Patron sa Bukawe, Bulacan. Mula pa sa aming

Read More »
Scroll to Top