Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 247,649 total reads

Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!” Sinambit niya ang mga salitang ito para patamaan ang mga aniya’y “nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan.” Doon nagsimula ang paghalungkat sa mga flood control projects na nababalot ng anomalya.

Pero kung pagbabatayan ang natuklasan ng grupong People’s Budget Coalition sa General Appropriations Bill na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, mukhang nakahanap ang mga kongresista ng bagong paraan upang makakuha ng malaking pondo ang kani-kanilang proyekto. Umabot daw sa isang trilyong piso ang halaga ng mga kuwestiyonableng proyekto sa pambansang budget, kabilang ang pitong libong infrastructure projects na nagkakahalaga ng 190 bilyong piso. Kung noon ay flood control projects ang binuhusan ng bilyun-bilyong piso, ngayon naman daw ay mga multipurpose buildings ang paglalaanan ng napakalaking pondo.  

Ayon sa People’s Budget Coalition, isiningit ng mga kongresista ang mga proyektong ito sa budget ng Department of Public Works and Highways (o DPWH) nang walang kalakip na detalye o supporting documents. Walang transparency, sa madaling salita. Natuklasan pa ng grupo na ang pondo para sa mga imprastrakturang ito ay inalis sa central office ng DPWH at inilipat sa mga district offices ng kagawaran. Sounds familiar, hindi ba?

Dapat nating pasalamatan ang mga grupong katulad ng People’s Budget Coalition dahil binubusisi nila ang perang pinaghirapan at pinag-ambag-ambagan nating lahat bilang mga taxpayers. Ang mahigit 5,000 nitong volunteers ay tinatawag nga ngayon bilang “angry nerds”—mga bihasâ sa teknolohiya at mabutingting sa datos na labis nang naiinis na sa korapsyon at kawalan ng pananagutan ng ating mga lider. Sa halip na idaan sa karahasan ang kanilang galit, ginagamit nila ang kanilang kaalaman para metikulosong suriin ang nakalululang budget ng gobyerno at ipaliwanag ito sa publiko sa simpleng paraan at papanagutin nga ang mga pulitiko. 

Tahimik ang karamihan sa mga mambabatas sa natuklasan ng People’s Budget Coalition, pero may isa sa kanilang tinawag na walang alam sa proseso ng paggawa ng budget ang mga “angry nerds.” Ayon kay House Deputy Speaker and Antipolo City Representative Ronnie Puno, hindi raw gumagawa ng budget ang Mababang Kapulungan. Nirerepaso at ina-adjust lang daw nito ang ipinapasang budget ng iba’t ibang departamento. Kinontra ito ng People’s Budget Coalition na pinangungunahan ng mga eksperto sa usaping pagbabadyet ng gobyerno. Sa pahayag na ito ng kongresista, dapat mas maging masigasig pa ang mas marami sa pagbusisi sa pambansang budget.

Sabi nga ni Cardinal Pablo Virgilio David ng Diyosesis ng Kalookan, ang mga grupong katulad ng People’s Budget Coalition ay nagbibigay sa kanya ng pag-asa sa mga demokratikong institusyon. Kahanga-hanga aniya ang ginagawa ng mga “angry nerds” na gamitin ang datos mismo ng gobyerno at makabagong teknolohiya para bigyang-liwanag ang mga tila itinatago sa mata ng publiko. 

Mula naman sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang ginagawa ng mga tinatawag na citizen volunteers katulad ng People’s Budget Coalition ay pagsasabuhay ng karapatan at tungkulin ng mga mamamayan na makibahagi sa buhay ng lipunan. Dahil ang pambansang budget ay salamin ng mga prayoridad ng ating gobyerno na dapat naglilingkod sa atin, nararapat lang na makialam tayong mga mamamayan sa proseso ng pagbubuo, paglalaan, at paggamit nito. 

Mga Kapanalig, nasa Senado na ngayon ang bola, ‘ika nga, kung palulusutin nito ang budget na ipinasá ng mga kongresista. Pero nasa ating mga mamamayan pa rin ang tungkuling laging ipaalala sa ating mga lider ang babala sa Lucas 12:2: “Walang natatago na ‘di malalantad at walang nalilihim na ‘di mabubunyag.”

Sumainyo ang katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,137 total reads

 22,137 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,675 total reads

 47,675 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,111 total reads

 118,111 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,627 total reads

 204,627 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,650 total reads

 247,650 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,508 total reads

 295,508 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,676 total reads

 47,676 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,112 total reads

 118,112 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,628 total reads

 204,628 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Don’t panic?

 295,509 total reads

 295,509 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »
Scroll to Top