Mamamayang Pilipino, hinimok na makiisa sa “Dapat Isa Lang“ initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total reads

Hinihikayat ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at dating pangulo ng Radyo Veritas, ang mga mananampalataya na makiisa sa kampanyang “Dapat Isa Lang” na naglalayong isulong ang isang batas laban sa political dynasty sa bansa.

Sa kanyang mensahe matapos ang Banal na Misa para sa mga Yumao sa Holy Trinity Chapel ng Loyola Memorial Park sa Marikina City, sinabi ni Fr. Pascual na nakikiisa ang Simbahan sa adbokasiya ng ilang non-government organizations at cause-oriented groups na naglalayong baguhin ang sistema ng pulitika sa bansa.

Ayon sa Pari, layunin ng “Dapat Isa Lang” na magkaroon ng panukalang Anti-Political Dynasty Law na maglilimita sa sabay-sabay na pag-upo sa puwesto ng magkakamag-anak sa pambansa at lokal na pamahalaan.

“Ito po ay ating paraan upang baguhin ang pulitika ng ating pamahalaan para maalis ang political dynasty.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Ipinanukala rin ni Fr. Pascual ang paggamit ng People’s Initiative upang direktang maisulong sa mga botante ang isang panukalang batas laban sa political dynasty.

Pagbabahagi ng Pari, nakasaad sa Konstitusyon ang mekanismo kung saan maaaring makilahok ang mamamayan sa paggawa o pag-amyenda ng batas.

Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag din rin Fr. Pascual na isinusulong ng “Dapat Isa Lang” ang limitasyon na iisa lamang na miyembro ng isang pamilya ang maaaring humawak ng posisyon sa pambansa at lokal na antas, kabilang ang mga kamag-anak hanggang fourth degree of consanguinity na naayon din sa panukala.

Naniniwala rin si Fr. Pascual na makatutulong ang naturang panukala upang magkaroon ng mas maraming pagkakataon ang ibang mamamayan na makilahok sa pamahalaan at mapalakas ang tiwala sa demokrasya.

“Kaya pag-isipan niyo po ng seryoso kayong mga botante, kayong mga nakikinig, kung gusto nating baguhin ang ating bansa, gamitin po natin ang halalan. At ngayon gumawa ng batas, tunay na batas, para kontrolin natin ang family dynasty.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Hinimok din ng Pari ang mga mamamayan na alamin ang kampanyang “Dapat Isa Lang” online at makibahagi sa isinusulong nitong signature campaign para sa People’s Initiative.

“Magbago na tayong mga Katoliko, tayong mga Pilipino.” Panawagan ni Fr. Pascual.

Bago ang kanyang mensahe tungkol sa political reform, nagpasalamat din si Fr. Pascual sa Loyola Memorial Park at sa paggamit ng Holy Trinity Chapel, gayundin sa patuloy na presensya ng Radyo Veritas 846 sa taunang paggunita sa mga yumao.

Hinikayat niya ang mga Katoliko na patuloy na makinig sa Radio Veritas bilang daluyan ng mga balita at katuruan ng Simbahan, lalo na sa panahong tinawag niyang “post-truth,” kung kailan nagkakaiba-iba ang pinaniniwalaan ng mga tao.

Paalala ni Fr. Pascual, “Mahalaga na tayo po ay tapat sa katotohanan na naggaling sa Diyos. Palaging nakikinig ng Veritas 846.”

Muli ring binigyang diin ng Pari ang kalakip na plenary indulgence ng tradisyonal ng pagdalaw sa mga sementeryo at pananalangin para sa mga yumao sa unang walong araw ng Nobyembre.

Sa pagtatapos, iniugnay ni Fr. Pascual ang pananampalataya sa responsibilidad ng mga Kristiyano sa lipunan, at hinimok ang mga mananampalataya na mahalin ang Diyos at ang bayan sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok sa buhay ng bansa.

“O kaya magising na po tayo, mga Pilipino, mahalin natin ang Diyos, mahalin natin ang ating bansa.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Nagtapos ang kanyang mensahe sa paanyaya sa mga mananampalataya na mamuhay nang may kabanalan bilang bunga ng kanilang pananampalataya at pakikilahok sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 161,148 total reads

 161,148 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 191,649 total reads

 191,649 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 225,773 total reads

 225,773 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 282,179 total reads

 282,179 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 39,278 total reads

 39,278 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top