Tuluran ang kabanalan ng mga santo, paanyaya ni Bishop Pabillo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,681 total reads

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na tularan ang kabanalan ng mga santo at isabuhay ang pagkakaisa bilang mga anak ng Diyos sa paglalakbay tungo sa buhay na walang hanggan.

Binigyan-diin ni Bishop Pabillo sa Dakilang Kapistahan ng All Saints day ngayong November 01 na hindi lamang mga canonized saints ang kabilang sa samahan ng mga banal, kundi ang napakaraming taong namuhay sa biyaya ng Diyos at nakibahagi sa Kanyang kabanalan.

“Magandang isipin na hindi tayo nag-iisa sa ating paglalakbay patungong langit. May nauna na sa atin at ini-encourage nila tayo. May mga kasama tayo na wala na sa lupa pero wala pa sa langit, at inaalalayan natin sila sa ating mga dasal. At dito sa lupa, nagkakaisa tayo hindi lang para maging maayos ang buhay natin, kundi lalo na para makarating sa ating tunay na tahanan. Taga-roon tayo. Maka-langit tayo,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabilo para sa All Saints day ngayong Araw.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na may tatlong kalagayan sa Communion of Saints: ang mga banal na kapiling na ng Diyos sa langit, ang mga kaluluwang nasa purgatoryo na nangangailangan ng ating mga panalangin, at ang mga Kristiyanong patuloy na nagsisikap mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos dito sa lupa.

Binigyang-diin din niya na hindi nag-iisa ang bawat mananampalataya sa pagsisikap na maging banal dahil nagtutulungan ang bawat isa sa pamamagitan ng panalangin, paggabay at pagsunod sa halimbawa ng mga santo.

“Ang tanging assurance natin na tayo ay makalangit ay tayo ay anak ng Diyos. This makes all the difference. Anak tayo ng Diyos kaya hindi Niya tayo pababayaan. Ang pamana na langit ay naghihintay sa atin. Kahit na may kahirapan tayo dito sa lupa, kahit nasa kalagayan tayo na hindi kaakit-akit sa mata ng mundo, hindi tayo pababayaan ng Diyos,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 129,226 total reads

 129,226 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 162,647 total reads

 162,647 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 196,775 total reads

 196,775 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 253,180 total reads

 253,180 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top