Gawing sagrado ang paggunita sa UNDAS 2026, panawagan ng Pari sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,429 total reads

Hinimok ni Father Joel Saballa, kura paroko ng St. Joseph the Worker Parish sa Tala, North Caloocan, Diocese of Novaliches, ang mga Pilipino na panatilihing taimtim, payapa at sagrado ang paggunita sa Undas ngayong 2026.

Pinaalalahanan ng pari ang mga mananampalataya na iwasan ang maiingay na gawain, pag-inom ng alak at pag-aalay ng pagkain sa mga puntod, dahil higit na nangangailangan ng ‘panalangin’ ang mga yumaong mahal sa buhay.

Iginiit ng Pari na hindi dapat maging simpleng reunion o pagtitipon lamang ang pagdalaw sa sementeryo, kundi pagkakataon upang magnilay, manalangin at alalahanin ang mga yumao nang may paggalang.

Hinimok ni Fr.Saballa ang mananampalataya na pangalagaan ang alaala ng mga mahal sa buhay na yumao.

“At ang aking munting mensahe, paalala na sana po ay gamitin natin ang pagkakataong ito para magnilay, iwasan ang mga ingay sa sementeryo, iwasan ang mga ggarbong alisin ang mga ggarbong maling practices, ‘yung pag-aalay ng mga pagkain, ang kailangan nung ating mga yumao ay hindi pagkain, ang kailangan nila ay panalangin. Kaya’t sana po ay mag-sikap tayong gawing solemn ang pagdalaw at gawin hindi lang siya gawing sang-reunion, iwasan ang alak, iwasan ang mga hindi kaaya-aya na gawain sa loob ng sementeryo, mga columbaryo, manatilihin itong payapa, panatilihin natin ‘yung environment na nananalangin at pagsisikapan natin na maipaalaala sa bawat isa na tayo ay buhay na Ebanghelyo, buhay na katekismo na naghihikayat upang tayo ay maging mabuting Kristiyano, mahalin at patuloy na pangalagaan ang alaala ng ating mga mahal sa buhay na yumao,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Saballa.

Naunang nanawagan si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na igalang ang integridad ng mga labi ng yumao at iwasang kumuha ng bahagi ng abo ng mga cremated na mahal sa buhay upang gawing alahas o personal na alaala.
Sa halip, hinikayat ng Simbahan ang mga pamilya na palakasin ang sama-samang pananalangin at pagdalo sa Banal na Misa bilang pagpapahayag ng pananampalataya at pagmamahal sa mga pumanaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 60,267 total reads

 60,267 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 143,293 total reads

 143,293 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 237,625 total reads

 237,625 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 299,310 total reads

 299,310 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 342,259 total reads

 342,259 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top