Albay, ipinagkatiwala sa pangangalaga ni Nuestra Señora de Salvacion

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,101 total reads

Ipinagkatiwala ng Diocese of Legazpi Social Action Center sa pangangalaga ng Nuestra Señora de Salvacion ang buong lalawigan ng Albay kasunod ng muling pagliligalig ng Bulkang Mayon.

Idinalangin ng social action arm ng diyosesis ang kaligtasan ng mga residenteng nakatira malapit sa bulkan, lalo na ang mga pamilyang direktang apektado ng aktibidad nito.

“As Mayon Volcano shows signs of unrest, we entrust to the maternal care of Nuestra Señora de Salvación, Heavenly Queen of Albay, all our brothers and sisters, especially those living in communities near the volcano,” ayon sa pahayag ng Diocese of Legazpi SAC.

“We pray for their safety and protection, for the vigilance and wisdom of our authorities and disaster response personnel, and for the strength of families who may be affected by volcanic activity.”

Ipinanalangin din ang maingat na pagbabantay at tamang pagpapasya ng mga awtoridad at disaster response personnel sa gitna ng banta ng pagputok ng bulkan.

Kasabay nito, hinimok ng Social Action Center ang publiko na manatiling alerto, makinig at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad, at magmalasakit sa mga higit na nangangailangan.

Ang Nuestra Señora de Salvacion ang patrona ng Diocese of Legazpi at kinikilalang makalangit na patrona ng lalawigan ng Albay.

Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Mayon dahil sa mataas na antas ng aktibidad nito.

Iniutos na rin ng lokal na pamahalaan ang paglikas ng mga komunidad na nanganganib dahil sa posibleng pag-agos ng lava, pagguho ng mga bato at pyroclastic density current o mabilis na daloy ng mainit na abo, bato at gas mula sa bulkan.

– Marian Navales Pulgo, Kenneth Corbilla

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,758 total reads

 21,758 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 46,852 total reads

 46,852 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,327 total reads

 117,327 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 203,843 total reads

 203,843 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 246,865 total reads

 246,865 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 294,746 total reads

 294,746 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top