Kontrol sa teknolohiya, dapat manatili sa tao- Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,207 total reads

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na hindi dapat hayaang artificial intelligence o AI ang magpasya sa mga bagay na may epekto sa buhay, kalayaan at kaligtasan ng tao.

Sa kanyang mensahe sa “The Future of AI: A Dialogue Between the Vatican and the Scientific World on the Developments and Applications of Intelligent Technologies”, sinabi ng Santo Papa na dapat manatili sa tao ang kontrol sa paggamit ng teknolohiya upang mapangalagaan ang dignidad at karapatan ng bawat isa.

“Well aware of the challenges that arise wherever human dignity is threatened,” ayon kay Pope Leo.

Ipinaliwanag ni Pope Leo na ang AI ay kasangkapan lamang at hindi dapat ituring na kapalit ng tao dahil wala itong tunay na damdamin, karanasan at kakayahang umunawa sa pagmamahal at pananagutan.

“We have the responsibility to guide, change, and, when necessary, reject its applications,” ayon pa sa Santo Papa.

Nagbabala rin siya sa paggamit ng AI sa pagtukoy kung sino ang ituturing na banta o isasama sa listahan ng mga target. Sa ganitong sitwasyon, maaaring ituring na simpleng datos lamang ang isang tao.

Dahil dito, iginiit niyang dapat manatili sa tao ang pagpapasya sa mga usaping may kinalaman sa buhay at paggamit ng puwersa. Hinimok din niya ang mga bansa na kumilos upang ipagbawal ang mga sandatang kayang pumatay nang walang direktang kontrol ng tao.

Paliwanag pa ni Pope Leo, “Decisions affecting human life, freedom and the use of force must always remain subject to effective, informed, and responsible human oversight.”

Ayon sa Santo Papa, nakasalalay sa mga desisyon ng tao ang magiging direksiyon ng AI. Kaya hindi lamang dapat itanong kung ano ang kayang gawin ng teknolohiya, kundi kung paano ito makatutulong sa lahat.

Binigyang-diin niyang dapat gamitin ang AI para sa kapakanan ng nakararami at hindi lamang para sa interes ng iilang makapangyarihan.

Nanawagan din siya sa mga pamahalaan at institusyon na magpatupad ng malinaw na mga patakaran at bantayan ang paggamit ng AI upang maiwasan ang pang-aabuso at mapanagot ang mga responsable sa anumang pinsalang maidudulot nito.

Ang pagpupulong ay inorganisa ng Pontifical Academy for Life at Future of Life Institute upang talakayin ang mga hamon at responsibilidad sa patuloy na pag-unlad ng artificial intelligence.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 53,403 total reads

 53,403 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 92,093 total reads

 92,093 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 126,221 total reads

 126,221 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 182,627 total reads

 182,627 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top