Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 333,592 total reads

Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad sila.” 

Sa baba ng pasahod at lagay ng mga ospital dito sa Pilipinas, paano naman nga aasenso ang mga nars sa bansa?

Dumalo si Pangulong Bongbong Marcos sa pagdiriwang ng Philippine Nurses Association ng Nurses’ Week. Pinasalamatan niya ang mga nars para sa kanilang serbisyo at dedikasyon. Nangako siyang pagbubutihin ng pamahalaan ang mga benepisyo at kalagayang-paggawa ng mga nars sa bansa. Ipinagmalaki pa ng pangulong may nakausap siyang hari na nagsabing sa lahat ng intensive care units (o ICU) sa kanilang mga ospital, 60% ng mga nars at doktor ay Pilipino. Dagdag pa raw ng hari, kung titigil daw tayong magpadala ng healthcare workers sa kanilang bansa, hihinto ang buong sistema ng pagamutan nila. 

Nakaka-proud po ba ito, mga Kapanalig?

Mahuhusay, mababait, at masisipag ang mga manggagawang Pilipino, lalo na ang ating mga nars, kaya naman mataas ang demand para sa mga overseas Filipino workers sa buong mundo. Dapat itong ipagmalaki, pero ganap lamang itong magiging tagumpay kung pumupunta sila doon nang bukal sa kanilang kalooban, hindi dahil sa kagipitan at kawalan ng oportunidad sa sarili nating bayan. 

Sa mga bansang miyembro ng Organization for Economic Cooperation and Development (o OECD) na karamihan ay mayayamang bansa, may mahigit 277,000 na mga Pilipinong nars na nagtatrabaho doon noong 2020. Tumaas ang bilang na ito ng halos 147% sa loob lamang ng dalawang dekada. Hindi ito katakataka. 

Mahigit 30 taon na nang maisabatas ang Republic Act No. 7305 o Magna Carta of Public Health Workers, pero marami sa mga probisyon nito ang hindi pa rin naipatutupad. Ayon sa grupong Alliance of Health Workers, nananatiling mababa ang sahod ng maraming nars at understaffed ang mga pampublikong ospital sa bansa. Ang bagong pasok na nars ay sumasahod lang ng ₱14,000 kada buwan. Anim na beses ng halagang ito ang matatanggap na sahod ng isang nag-uumpisang nars sa New Zealand, kaya sinong hindi maeengganyong mag-abroad? 

May mga nars din na mahigit isang dekada nang job order sa pinagtatrabahuhan nilang pampublikong ospital kung saan ang sahod nila ay isang libong piso lang kada araw o ₱20,000 kada buwan. Minsan ay iisa lang ang nars na permanente o nasa plantilla, samantalang dalawampu naman ang job order at walang katiyakan sa kanilang trabaho. 

Sa mga ICU kung saan may isang nars dapat para sa bawat pasyente, nagiging tatlo ang pasyenteng iniintindi ng bawat nars Kaya kung nars ka sa isang pampublikong ospital sa Pilipinas, kailangang matututo kang mag-improvise at multi-tasking. 

Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming hamon na kinahaharap ng ating mga nars. 

Para sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pagtatrabaho ay hindi lamang karapatan pero isang pamamaraan ng pagkilala sa dignidad ng tao. Ang pagtatrabaho ay nakaugat sa dangal ng tao bilang nilikhang kawangis ng Diyos. Sa anumang trabaho, dapat kilalanin at igalang ang dignidad ng manggagawa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatarungan at nakabubuhay ng sahod, at pagsasaayos ng mga kalagayang-paggawa. Katulad nga ng paaalala sa Mangangaral 5:18, “nararapat lamang na kumain, uminom, at pakinabangan ng isang tao ang bunga ng kanyang pinagpaguran.” Ito ang hindi natatamasa ng maraming nars sa Pilipinas.

Mga Kapanalig, pinararangalan natin ang ating mga nars! Hindi sapat ang salita o mga pangako para tunay na maitaguyod ang kanilang dignidad bilang mga manggagawa. Huwag na sanang hintayin ng pamahalaang tuluyang maubos ang mga nars sa bansa bago sila pasahurin nang tama at isaayos ang lagay ng ating mga ospital. 

Sumainyo ang katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 20,657 total reads

 20,657 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 44,372 total reads

 44,372 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 114,940 total reads

 114,940 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 201,450 total reads

 201,450 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 244,478 total reads

 244,478 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 292,438 total reads

 292,438 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 44,373 total reads

 44,373 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 114,941 total reads

 114,941 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 201,451 total reads

 201,451 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 244,479 total reads

 244,479 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top