Pagsasapribado ng MRT-3, kinuwestiyon ng isang commuter group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,320 total reads

Kinuwestiyon ng commuter group ang planong pagsasapribado ng operasyon at maintenance ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Iginiit ng PARA Commuter’s Network na dapat manatili sa pamahalaan ang responsibilidad sa pagpapatakbo ng pampublikong transportasyon at paggamit ng pondo ng bayan para sa kapakanan ng mga pasahero.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Nanoy Rafael, convener ng PARA Commuter’s Network, hindi nangangahulugan ng mas mahusay na serbisyo ang paglipat ng operasyon sa pribadong sektor, lalo na kung tubo ang magiging pangunahing konsiderasyon ng operator.

“Sa tingin namin, ang privatization ay ang sukdulan talaga ng pagpapabaya ng gobyerno sa responsibilidad nito,” ayon kay Rafael.

Giit niya, dapat suriin kung may sapat na pondong maaaring ilaan ang pamahalaan upang mapahusay ang operasyon ng MRT-3, sa halip na ipasa sa pribadong kumpanya ang pamamahala nito.

Ayon pa sa PARA, mahalagang tiyaking ang kita mula sa pamasahe ay naibabalik sa pagpapabuti ng serbisyo, kabilang ang maintenance ng mga tren, pag-upgrade ng pasilidad at pagpapalawak ng kapasidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.

Binanggit din ni Rafael ang mga naging problema sa serbisyo ng MRT-3 noong mga nakaraang taon, kabilang ang mga insidente ng pagkasira ng tren at pagkaantala ng biyahe.

Kinuwestiyon din niya ang dating kaayusan kung saan, ayon sa kanyang pahayag, nagbibigay ng subsidiya ang gobyerno upang matulungan ang pribadong operator na mabawi ang puhunan nito.

Para sa Rafael, dapat pag-aralan ang mga naging karanasan sa dating pamamahala ng tern bago muling ipagkatiwala sa pribadong sektor ang operasyon at maintenance nito.

Una ng inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasapribado ng operasyon at maintenance ng MRT-3 sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP), na nagkakahalaga ng tinatayang ₱103.6 bilyon.

Target ng kagawaran na maipagkaloob ang concession contract sa 2027. Kabilang sa mga layunin ng panukala ang pagpapahusay sa pagiging maaasahan ng mga tren, pagpapaikli sa oras ng paghihintay at pagpapalawak ng kapasidad ng linya.

Ayon sa DOTr, mananatili sa pamahalaan ang pagmamay-ari ng MRT-3 at ang kapangyarihang magtakda ng pamasahe. Ang pribadong concessionaire naman ang inaasahang mamamahala sa operasyon at maintenance at mamumuhunan sa mga kinakailangang pagpapahusay.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,992 total reads

 21,992 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,324 total reads

 47,324 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,784 total reads

 117,784 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,300 total reads

 204,300 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,322 total reads

 247,322 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,195 total reads

 295,195 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top